Hindi maitago ang pagbubuntis: Paolo Contis at Lian Paz, aamin na! – Ogie Diaz

BLIND ITEM:  ISANG TV host ang suki pala ng isang massage parlor diyan sa me Proj. 4, Cubao.   Kumukuha siya ng masahista at halos iisa lang ang kuwento ng mga ito.

Na after the massage ay hindi nagpaparaos ang TV host,  bagkus binibigyan nito ng instruction ang masahista na mag-best children’s show (mag-Batibot, gagah!) sa harap niya at panonoorin niya hanggang ito’y makaraos.

Gano’n lamang daw ang drama ng TV host at bongga pa raw magbigay ng tip. O, at least, positive naman pala ang kuwento ng mga masahista sa TV host na ang description ng aming kaibigan, “Akala n’yo lang, habang minamasahe siya eh natutulog siya.  Hindi, ‘no! Gising na gising ang diwa niya sa hagod ng masahista!”

NANAY NA NANAY si Ms. Dorothy Laforteza sa pagtatanggol sa kanyang anak na si Sunshine Dizon.  Si Sunshine na tinigok ang character sa Tinik Sa Dibdib dahil nagiging pasaway at sakit na rin sa ulo–in short, tinik na rin sa dibdib ang aktres.

Pero iginiit ni Ms. Laforteza na hindi totoo ang balitang nakahinga na nang maluwag ang buong staff ng Tinik Sa Dibdib nu’ng tanggalin si Shine.

“Hindi totoo ‘yan, Ogie.  Sa katunayan, nalungkot sila nu’ng mawala si Sunshine,” sabi pa ni Mommy.

Giit pa ni Mommy, wala raw sinumang young actress ang makakahigit sa nagawa ni Sunshine.  “Magsabi ka ng pangalan kung sino ang nakakuha ng siyam na award?”

Me gano’ng factor, ‘di ba?

INAMIN NA RIN ni Mommy Dorothy na yes, me migraine ang anak niya.  Na yes, meron ding slip disc ang anak niya na sumasakit ang likod ‘pag nalalamigan.

Pero sabi nga namin sa kanya, “Pero mommy, ha?  Okay lang ba ‘yon na sakitin si Sunshine, pero umiinom pa rin ng alak?”

Sabi ni Mommy, “Ay, okay na ‘yon.  ‘Yung alak, maiiihi niya ‘yan, tapos niyan, balik na sa dati.”

Ang taray ng reasoning, ‘di ba?

Kampay, kampay!

SA NOVEMBER 4 malalaman kung girl or boy ang magiging baby ni Lian Paz, dating EB Babe member. Siyempre, excited na excited na ang magiging amang si Paolo Contis, ‘no!

Kaya pag kausap namin ang bruho, eh, tatay na tatay na ang dating.  In fairness, eversince naman, kahit hindi pa nakabuntis si Paolo ay responsableng kabataan na ‘yan, eh.

Kung ano ang magiging name ng kanilang anak?  ‘Yan daw ang dapat na abangan sa Startalk, dahil for the first time, lalantad na ang magdyowa para aminin ang isyu habang lumalaki na rin ang tiyan ni Lian.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn. Kasama namin si Ms. F at ang mga angels.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

9 thoughts on “Hindi maitago ang pagbubuntis: Paolo Contis at Lian Paz, aamin na! – Ogie Diaz

  1. YAN ANG USO SA SHOWBIZ NOW…WE’RE JUST FRIENDS..WE’RE EXCLUSIVELY DATING!THE NEXT THING YOU KNOW BUNTIS NA PALA.DAPAT IBAHIN NA NILA WE’RE JUST FUCKING BUDDY!

  2. tama lang na tigbakin na yang sunshine, para mabigyan naman ng chance ang ibang mga artista na mas deserving. good luck nadine samonte! wag ka lang lalaki ang ulo at wag maging pasaway, malayo ang mararating mo! God bless you!

  3. c 35an d5n n0n at c paolo super deny pa dati n my sis daw nun pla bata na haha katawa tlga ang mga artista deny deny tsaka pag di na maitago i bubulgar din w8 lng tau at 1day 1 araw eh aamin din c shine bka pag uwi nia gling amerika mkita xia sa airport n my bibit n baby prang c carmina divah

  4. hindi na tumigil sa dorothy kasi nga totoo ang chismak para syang si anabelle rama putak ng putak ng mga kasinungalingan para sa anak anakan. sana pag labas ng bata sa sinampupunan ay hindi isumpa si sd dahil sa pagsisinungaling nilang mag ina.

  5. saan ba magmamana ng kasinungalingan ang anak eh hndi ba sa mga magulang na sinungaling din.
    bakit ba bnbigyan pansin pa e2ng si sunshine eh sa showbiz, eh sa gma lang naman feeling sikat yan!

  6. sino yang sa BI mo Ogie? host ng hoy gising dati? hahaha.

    sinungaling pala ang nanay ni sunshine pero ganun talaga kailangan niya ipagtanggol ang anak niya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.