HINDI LANG PURO LABLAYP: Tom Rodriguez, nominado bilang Best Actor sa Madrid!

Tom Rodriguez

TIMING NAMAN na sa pagsisimula ng bagong teleserye ng GMA Kapuso network na “I Heart Davao” bukas, June 26, ay sumabay naman ang balita tungkol sa pagno-nominate kay Tom Rodriguez as Best Lead Actor in a Foreign Language Film sa 6th Annual Madrid International Film Festival para sa pelikulang Magtanggol.

He played the role of a senator na commited supporter ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa direksyon ni Direk Sigfried Barros, kung saan maging si direk ay nominado rin sa kategoryang “Best Director in a Foreign Language Film. Ang nasabing filmfest at magaganap mula July 8-15 sa Madrid, Spain.

 As of this writing, hindi ko pa naitatanong sa manager niya na si Popoy Caritativo kung a-attend si Tom sa awarding ceremonies sa Madrid.

Tatahi-tahimik lang si Tom pero may ganito palang ganap sa kanyang career. I just don’t know kung very eager pa rin si Tom na makilala sa larangan ng pag-arte dahil kadalasan na nababalitaan ko sa kanya at nababasa ay ang lovelife ng binata ang focus at interest niya.

One of Tom's illustrations

One of Tom’s illustrations

Sa katunayan, balita ko nga ay nagpa-plano na sila ng kasal ng girlfriend na si Carla Abellana na kasama din niya sa bagong serye.

Sa mga hindi nakakaalam. bukod sa paga-artista ay magaling din si Tom mag-illustrate(mag-drawing) at magaling din sa mathematics.  Minsan ay naikuwento namin na sumasablay kami sa subjects like trigonometry and physics. Inexplain  niya sa amin na sa kanyang pagko- compute at naliligaw na kami.  In the end ay tuluyan na kaming nahilo sa kayang sinasabing simple physics. Ha ha ha…

Congrats and Good luck Tom!

 

 

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.