HINDI LANG PANGSHOWBIZ: Jodi Sta. Maria, #1 rin sa kanyang klase!

Jodi Sta. Maria

BILIB KAMI kay Jodi Sta. Maria dahil napapagsabay niya ang tatlong major roles niya sa buhay niya sa kasalukuyan.

From being a mom, pasok na pasok siya bilang isang single mom ng anak na si Thirdy sa dating kapartner na si Pampi Lacson.

Pasok din si Jodi sa banga na ang kanyang showbizm areer ay hindi nito napapabayaan at masasabing isa pa rin siya sa mga pinagkakatiwalaang aktres ng kanyang liga when it comes to acting.

Thirdly, wagi din si Jodi dahil pinatunayan niya sa sarili na kahit busy siya bilang isang ina at artista ay nairaos niya ang kanyang pag-aaral with honors.

 At the moment, she’s taking up Psychology sa Southville International  School and Colleges kung saan siya ang nangunguna sa kanyang klase.

Jodi with Dean of Psychology Mr. Ruel Cajili and Dean of Communication and Multimedia Arts Dr. Felma Tria

Reason kung bakit nagbalik-eskuwela ang aktres dahil gusto niya maging isang guidance counselor and at the same time ay maging pre-med degree ito when she decides to pursue her dream to get na college diploma.

Sa kasalukuyan, Jodi is waiting sa pagsisimula ng bagong serye niya sa Kapamilya Network with Richard Yap at Robin Padilla at nagpictorial na sila last night (Tuesday, para sa promotional materials).

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.