Hindi kami nagba-blackmail – Enrile

UMALMA ANG liderato ng Senado sa lumabas na alegasyong bina-blackmail ng Kongreso ang Supreme Court sa isyu nang pagpili ng susunod na chief justice.

Muling iginiit ni Senate President Juan Ponce Enrile na labag sa Saligang Batas ang ginawa ng Judicial and Bar Council (JBC) dahil tanging ang punong ma-histrado lamang umano ang makakapag-preside ng mga pagdinig ng lupon, taliwas sa nangyari kung saan isang associate justice lamang ang umupong chairman.

“Hindi kami nagba-blackmail. I know my law. I understand what I’m doing,” giit ng pangulo ng Senado.

Kaugnay nito, sinabi ni Enrile na iginagalang nito ang pananaw ng mga kasamahang senador hinggil sa kanyang posisyon na i-boykot ang JBC meeting.

Una rito, sinabi ni Sen. Joker Arroyo na “improper” umano ang pag-iisnab ng Senado sa JBC.

Nakatakda namang magpatawag ngayong araw ng caucus si Enrile para ipaliwanag ang kanyang posisyon sa naturang isyu.

“I respect his (Arroyo) opinion. Pero opinion niya iyon. Ipi-present ko ang a-king position sa Chamber. They can reverse my desisyon kung gusto nila,” ani Enrile.

Ayon naman sa panig ng Palasyo, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na malabo ang posisyon ni Enrile dahil mismong chief justice ang bakante at hinahanapan ng kapalit.

Tiyak ding reresolbahin ito ng JBC kaya matatagalan ang kanilang deliberasyon, dagdag pa ni Valte.

Samantala, ito umano ang dahilan kaya imbes na ngayong araw, sa Huwebes na lamang ang botohan ng JBC para sa shortlist.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.