Hindi isusuko ang titulong ‘sexiest Pinay’
Sam Pinto, lalaban pa rin kay Marian Rivera

APAT ANG tumata-yong leading ladies sa pelikulang Raketeros – sina Regine Angeles, RR Enriquez, Wendy Valdez at Sam Pinto, at nakatakda itong ipalabas after the elections.

At nang dumalaw kami sa last shooting day nito last April 11, sa isang warehouse sa Novaliches, inamin ng isa sa mga leading ladies ng movie na si Sam na bukod sa pagpapa-sexy, hindi rin siya nagpahuli sa pagko-komedya rito.

Kuwento niya, “I play Summer, ako naman ‘yung parang babae ni Kuya Ogie Alcasid. Of course, buong movie naman comedy ito, eh. At least the good thing naman partner ko si Kuya Ogie and I know him na, he’s the one who told me to accept this… so of course I’m very honored. Siya pa po ang nagtanong sa akin, sabi ko, yes, talaga agad ako.”

Ang nakakatuwa pa raw rito, iisa lang ang kanilang outfit sa buong istorya kung saan sumesentro ito sa pag-attend sa isang debut, at along the way ay marami nang mangyayaring mga nakatutuwang eksena hanggang sa makarating sila sa venue.

Aniya, “Apat kaming leading lady rito kasi lahat ng eksena, lahat kami andu’n kami lagi. Kaming apat po, sexy, kasi iisa lang din ang outfit namin sa buong movie.

Pagdating naman sa lovelife, single pa rin daw siya hanggang sa ngayon. Matatandaang na-link siya dati kay Derek Ramsay at Aljur Abrenica, pero lahat ito ay may kaugnayan lang sa trabaho at commercials na kanilang ginawa.

Bakit kaya single pa siya hanggang ngayon? “Oo nga, eh. I don’t know, parang hindi dumarating ‘yung right guy.”

Nakasama ni Sam dati si Cesar Montano sa pelikulang Hitman. Nagkaroon ba ng panahong na-link siya rito throughout the filming of the movie? “Na-link nang kaunti pero wala namang nangyari talaga.”

Pero niligawan nga ba siya ni Cesar? “No, not at all. I think the whole time kasi, ‘andu’n nanay ko, so alam naman niya siguro na wala talaga.”

Anong masasabi niya na ngayon ay nagkahiwalay ang dati niyang leading man at ang asawa nitong si Sunshine Cruz? “You know when we were shooting the movie, na-starstruck ‘ata ako sa kanya (Sunshine), sobrang sexy niya sobrang ganda niya, now that ‘yan ‘yung nangyari sa kanila, it’s very sad. I mean they were really the perfect couple, but I guess… stuff happens.”

Twice nang naging FHM’s sexiest woman of the world si Sam, from 2011 and 2012. Pero marami rin ang bumatikos sa kanya sa dalawang magkasunod na pagiging number 1 niya. Ilan nga rito ay nagsasabing bumili raw si Sam ng mga boto para lamang maging number 1. Sa ngayon, isa sa greatest competitor niya sa titulo ay ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Paano kaya niya ito pinaghahandaan? “Alam mo hindi ko alam… kasi ‘yung mga fans ko ang nag-uusap. Sila ang nag-aayos ng lahat. I don’t know what they’re doing. I’m here to support them on what they wanna do. And of course, kung ano man ang mangyari, whoever wins, I’m still happy, kasi twice na ako. Alam ko naman na ‘andaming fans ni Marian and of course she is very beautiful, so we’ll see what happens this year.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

7 thoughts on “Hindi isusuko ang titulong ‘sexiest Pinay’
Sam Pinto, lalaban pa rin kay Marian Rivera

  1. pareho namang walang dating ang dalawang yan! yung isa bobo sa acting, magmemorize na nga lng ng lines di pa magawa haha! yung isa naman bumibili ng boto magkaaward lang hahaha! tamaan pikon!

  2. NANINIWALA AKONG BUMIBILI NG BALOTA ITONG SI SAM PINTO PARA MANALO. O BAKA BINIBILI NG MANAGER NYANG SI CLAIRE DELA FUENTE. KASE, ANDAMING MAS MARAMING SEXY AT VOLUPTUOUS SA KANYA NOH. WALANG BOOBS AT WALANG WETPAKS ANG LOLA! LOL

      • Hindi retokada si Marian. May mga pictures siya before siya nag model or naging artista…yun college pictures niya, she looks the same (younger looking loon, pero pareho parin). Ang mga niretoke…sina Angel Locsin, Angelika Panganiban, Kim Chiu, and madami pa. Si Marian, wala.

Leave a Reply

Your email address will not be published.