Hindi 4,000; Mga Nagkakampo sa Konsulado sa Jeddah, Halos 800 Pinoy Lang

NAKAPAGSUMITE NA sa Saudi authorities ng karagdagang 2,000 pangalan ng mga Pilipino ang konsulado ng bansa sa Saudi Arabia para maproseso na ang pag-uwi ng mga ito.

Ito ang pinakahu-ling ulat ni PH Consul General to Saudi Arabia Uriel Garibay kaugnay ng repatriation efforts ng gobyerno.

Ito ang ikalawang beses na nagbigay ng pangalan ang konsulado. Higit 100 pa-ngalan ang napasama sa unang batch na ipinadala noong nakaraang linggo.

Sa nasabing bi-lang, 208 lamang ang kumpleto ang papeles kung saan nakasaad ang ilang detalye tulad ng kanilang pangalan at ng employer, contact number nito at identification card number (iqama).

Inaasikaso na ng konsulado ang pagkumpleto sa mga detalyeng kailangan pa ng mga Pinoy na kulang ang papeles. Mano-mano itong hinahagilap ng mga opisyal doon.

Ang hakbang na ito ay sa harap ng nakaambang crackdown operations ng Saudi government laban sa mga illegal, undocumented at overstaying foreign workers doon sa layong mapalaki ang bilang ng Saudi nationals sa workforce ng bansa.

67,000 Pinoy ang target ng operasyon kapag muli itong ipatupad sa Hunyo.

Ayon kay Garibay, bahagyang mas kakaunti ang bilang ng mga ilegal na Pinoy sa Saudi kumpara sa ibang lahi.

Sinabi  nito na sa pakikipag-usap sa consul general ng ibang bansa, pare-parehas aniya silang hindi makausad.

Patuloy naman aniyang pinag-aaralan ng Saudi government ang hiling ng mga bansa ukol sa repatriation.

May palugit umano ang mga hiling sa Hulyo 9.

Pinabulaanan naman ni Garibay ang ulat na aabot sa 4,000 Pinoy ang nagkakampo sa konsulado sa Jeddah.

Kapag alas-10:00 ng umaga, aabot ng 1,000 ang nagkakampo dahil sa mga dumarating na nagkakawanggawa, kaibigan at mga kaanak samantalang pagdating ng hapon, pumapalo lamang ng 800.

Kapag gabi, 656 na lamang ang headcount sa pagsasabing “umuuwi (sila) ‘pag gabi. Ang iba may trabaho sa gabi. Ilegal ito.”

Ayon pa kay  Garibay, may pondo ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na nagkakampo sa Jeddah na umaabot ng 5,000 hanggang 10,000 Saudi Riyal o katumbas na P50,000 hanggang P100,000 kada araw. Saklaw nito ang pagkain, tubig, diapers at mga gamot sa mga nagkakampo.

Samantala, hindi matanggap ni Garibay ang buwelta ng mga militanteng grupo na hindi kumikilos ang pamahalan sa depensang hindi na sila nakakatulog at magkandaugaga sa trabaho para maiayos ang lagay ng mga Pinoy roon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

One thought on “Hindi 4,000; Mga Nagkakampo sa Konsulado sa Jeddah, Halos 800 Pinoy Lang

  1. mahirap nga nman tlg mapauwi mga taong stranded kung hinihiling ng saudi govt.na maiclear muna mga kaso nila,malabong mgyri,pano nila ggwin sa dami ng illigal alangan na isa-isa aayusin ng embahada yan,mahihirapan tlg suntok sa buwan tlg yan..

Leave a Reply

Your email address will not be published.