Hinarang sa tapat ng eskuwelahan
Convoy ni Mayor, Dinisarmahan ng NPA

PINANINIWALAANG MGA rebeldeng New People’s Army (NPA) ang 15 armadong lalaki na humarang sa convoy ni Pitogo Mayor Richard Galban kahapon ng umaga sa bayan ng San Miguel, Zamboanga del Sur.

Sa ulat ng alkalde sa San Miguel Police Station, dakong 6:30 ng umaga nang harangin sila ng grupo na pawang nakasuot ng camouflage na tila uniporme ng pulis sa harap ng Mati Elementary School.

Sinabi naman ni PNP Region 9 Spokesman, Chief Insp. Ariel Huesca, na pinara ng mga suspek ang convoy ni Galban na noong una’y tila nagsiyasat at bandang huli ay pinagkukuha ang armas ng security ng alkalde.

Kabilang sa mga tinangay ng mga rebelde ang isang M-16 rifle, isang baby armalite at dalawang kalibre 45 baril, isang 9mm pistol at mga bala.

Matapos makuha ang mga armas ay agad na umanong tumakas ang mga rebelde.

Hindi naman sinaktan ng mga suspek si Galban maging ang kanyang mga body guard.

(SIGRID CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.