Hinampas sa lupa; 2-anyos, patay sa adik

PATAY ANG dalawang taong gulang na batang lalaki matapos ihampas sa lupa ng hinihinalang drug addict sa Talisay City, Cebu.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Talisay Police, nakikipaglaro sa ibang bata ang biktimang si Jeffrey Abosejo nang bahagyang mabangga ang suspek na kinilalang si Kennet Baller.

Agad umanong nagalit ang nasabing adik at hinawakan ang dalawang paa ng bata saka inihampas ito sa lupa.

Nabatid na kalalabas lang ni Baller sa drug rehabilitation center noong Marso pero bumalik umano ito sa paggamit ng pinagbabawal na gamot.

Kinasuhan na rin ang naturang suspek ng kasong Murder.

Samantala, sa kulu-ngan, inireklamo rin si Baller ng pananakal ng kapwa preso. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.