Hinaharas ng magkapatid!

AKO PO SI Victoria na isang residente ng San Jose del Monte, Bulacan. Gusto ko lang pong ihingi ng tulong ang tungkol sa reklamo ko noong January 9, 2011 kay SPO3 Abundio Clores na pinsan ng aking kinakasama ukol sa pag-padlock niya sa akin sa loob ng aming compound na tinitirhan.

Dalawang beses na po siyang inanyayahan ng barangay na hindi naman niya tinatanggap. Nag-aaway na po kaming mag-asawa sa telepono kahit nasa Saudi po siya dahil dito. Palagi po kasi akong hinaharas ng magkapatid.

Bagamat hindi pa natatapos ang usapin namin sa barangay, noong January 23, 2011, habang nasa bahay ako ng aking ina, inilabas nila ang mga gamit ko sa bahay tulad ng malaking TV at component. Pag-uwi ko, nag-iinuman sila sa harap ng bahay namin, na-ngungutya pa sila at nagtatawanan na magreklamo raw po ako kung gusto ko. Pulis daw siya kaya lahat ay kaya niyang gawin.

Sila po kasi ang sumusulsol at siyang third party sa away naming mag-asawa dahil sa kagustuhan nila kaming paghiwalayin at ako’y palayasin. Pauwi na ang asawa ko ngayong Marso at gusto kong mag-usap kami kaya hihintayin ko siya sa bahay kung saan niya ako iniwan. Sa ngayon ay nakatira ako sa compound nilang magkakapatid na pag-aari ng nanay nila.

Three years na po kaming nagsasama ng asawa ko, wala po kaming anak pero inaalagaan ko ang dalawang anak niya sa kanyang unang asawa.

Malaki kasi ang galit ni Abundio Clores sa akin dahil bago kami nagsama ay nasa custody niya ang mga bata at weekly ay nagpapadala ang aking asawa ng 15 thousand sa kanya. Kaya ngayon ay gumagawa sila ng paraan na magkasira kami at maibalik sa kanya ang mga bata.

Sa pagsasama naming mag-asawa ay nakapagpundar po kami ng tatlong big bike, at sa katunayan ay nabili ni Abundio ang isa matapos niyang ibenta ang motor na gamit niya at ikabit ang lumang plaka sa bagong big bike. Binentahan niya rin po ng baril ang asawa ko, may lisensiya naman na nakapangalan sa aking asawa. Kaya lamang kapag umiinom sila ay laging mga nakasukbit sa kanilang bewang ang mga baril at nagpapaputok kapag mga nalalasing.

Galit po sila sa akin dahil hadlang daw ako sa kaligayahan nila. Umaasa po ako ng agarang aksyon para sa aking reklamo tungkol sa pang-aabuso nila sa a-king karapatan.

Lubos na gumagalang,

Victoria

MAMAYANG GABI, MAGSISIMULA na ang pagpapalabas ng pilot episode ng WANTED SA TV sa TV5 na mapapanood pagkatapos ng Aksyon Journalismo. Ang BALITAANG TAPAT ay isang noontime newscast na mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 11:30 – 12:00 sa TV5. Ang ITIMBRE MO KAY TULFO ay isang segment sa BALITAANG TAPAT na nagbibigay ng agarang solusyon sa mga samu’t saring problema ng mga mamamayan.

Para sa inyong mga sumbong at reklamo, mag-text lamang sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.

Ang inyong lingkod ay mapapakinggan din Lunes hanggang Biyernes, 10:00- 11:30 am sa 92.3 NewsFM ng Radyo5 sa programang ISYU, at 2:00-4:00 pm naman sa WANTED SA RADYO sa 558 kHz DZXL.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.