Hinabol ng lasing na mga pulis

0927813xxxx – Sir Raffy Tulfo, hihingi po sana ako ng tulong sa inyo para sa anak kong babae. Noon po kasing February 20, bandang alas-singko ng hapon ay hi-nabol siya mula sa kanto ng kalye namin hanggang sa harap ng aming bahay ng mga pulis na lasing at mga nakalabas pa ang baril, gusto nilang patayin ang anak ko nang walang kasalanan. Ito po ang mga pangalan ng pulis sila SPO3 Ramon Lasalita Sr., PO2 Domingo, at Reymand Quitoriano. Buti na lamang po at nakapagitna ang kapitbahay namin kasi gusto talaga nilang patayin ang anak ko. Nagsisisigaw kasi si Lasalita na gusto niya itong barilin. Tulungan n’yo po kami kung ano po ang dapat naming gawin. Marami po ang makapagpapatunay na walang kasalanan ang anak ko sa naganap na pangyayaring iyon. Salamat po.

0923867xxxx – Sir Raffy, irereklamo ko lang po ang boyfriend ng ate ko na isang pulis. Kasi gusto niyang tumira sa bahay ng nanay ko kung saan nakatira ang ate ko. Pero hindi pumayag ang nanay ko kaya ngayon ay pinagbabantaan ng pulis na iyon ang nanay ko pati na ang mga kapatid ko na papatayin. Sana po ay matulungan ninyo ang aming pamilya laban sa pulis na ito. Maraming salamat po.

0909656xxxx – Isa po akong concerned citizen, isusumbong ko lang iyong MPD na nagpa-patrol along Roxas Boulevard near Manila Hotel going southbound. Mga bandang 1:00 am noong February 24, iyong mobile na may plate number na SJA 159, nangongotong sa mga motorista. Kitang-kita ko po na nagbato ng perang papel ang isang sasakyan na kinotongan niya.

0921688xxxx – Sir, pakiimbestigahan naman po ang nakasakay sa isang HPG Patrol na may body number na 867. Nangongotong po kasi sila ng P1000 monthly sa isang toda dito sa Cavite. Salamat po.

0909126xxxx – Sir Raffy, irereklamo ko lang po itong NBI Las Piñas dahil grabeng mga buwaya kasi dito. Kumukuha ako ng NBI clearance at alas-singko pa lang ng umaga ay nakapila na ako pero gabi na ako nakauwi kasi wala akong patong sa bayad ko. Kapag kasi may pampatong ka at gagawin mong P300 mabilis pa sa alas-kuwatro ay makukuha mo kaagad ang NBI clea-rance mo. May mga look out pa sila sa labas.

0949865xxxx – Idol Raffy, pakikalampag naman po ang mga kinauukulan sa Pasay City na magkaroon ng visibility sa aming lugar sa may Decena Street dahil hindi na nawawala ang mga drug addict.

0916690xxxx – Sir Tulfo, tulungan n’yo po kami sa problema namin dito sa aming lugar. Binabaha kami madalas dito dahil sa creek na nilagyan ng concrete pipe imbes na open pipe lang. Dito po ito sa Kapatiran Village, Pasong Buaya 2, Imus, Cavite. Malapit po ang lugar namin sa SM Molino. Maraming salamat po, Sir! Mabuhay po kayo!

Para sa inyong mga sumbong at reklamo maaari ka-yong magsadya sa aming action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City. Maaari rin kayong mag-text sa 0917-7-WANTED o sa 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.