Angel Locsin, Mag-hihimala?!

Marami ang humanga kay Angel Locsin sa kakatapos lang na launch ng libro ni Ricky Lee na pinamagatang Si Tatang at ang mga Himala ng ating Panahon. Natoka kay Angel ang pagbasa ng ilang linya sa pelikulang ‘Himala’ na pinagbibidahan ng one and only superstar na si Nora Aunor.

Puro papuri ang natanggap ng aktres mula sa mga artista, kasamahan at mga tagahangang dumalo sa nasabing pagtitipon. Kahit ang mismong may akda ng libro na si Ricky Lee ay natuwa sa pamamaraan ng pagbasa ng Angel ng kanyang linya. Tila damang-dama niya talaga na siya si Elsa.

Alam niyo ba na ang pelikulang Himala ang obra nina Ishmael Bernal at Ricky Lee na umani ng maraming parangal sa ibang bansa noong 1982? Kinikilala rin ito bilang isa sa Best Asia-Pacific Film of all time. Mahirap ngang tapatan ang angking galing ng isang Nora Aunor, pero mukhang kering-keri din ng ating bidang si Angel kung sakali man gampanan niya ang remake ng pelikulang ito. Ang nakakatuwa pa, kahit ang mga Noranians ay napipisil ang aktres na maging bagong Elsa. Winnur!

Sa mga hiling ng mga tagahanga at papuri ng mga kritiko sa ating Anghel, ano kaya ang masasabi ng kanyang future mom-in-law na si Vilma Santos tungkol dito? Hmmmm… intrigahin ba agad?!

By Mica Rodriguez
Photos by Ricky Alejo

loading...

7 thoughts on “Angel Locsin, Mag-hihimala?!

  1. hoy mga noranians anu b atraso ni angel s inyo???
    kasalanan b nya na gusto sya ni ricky lee? at bakit naman bababuyin ang himala? kyo lang ang maysabi nyan!!!!!!!!!!!

  2. Nakakapagtaka lang kung napakaganda at magaling ang himala na yan… bakit kung kani kanino inilalako ito!? Matapos na gawin ni Angel… ang napala niya ay pintasan na siya at ngayon ay kay Maja naman gusto ipagawa… Ano ba ang common denominator? Pareho silang malapit kay Ate Vi… Angel is the gf of Luis na anak ni Ate Vi and Maja has been very vocal na gusto niya maging isang Vilma Santos. Maski yun tito ni Maja si Philip Salvador has been very vocal na gusto niya maging isang Vilma Santos si Maja Salvador. Kung napakaganda ng himala na yan… bakit di na lang ibigay sa mga anak ni nora sina Lotlot de Leon and Matet de Leon who obviously need all the help they can get for their respective career. Nakakapagtaka lang kung bakit sa mga malalapit pa kay Ate Vi ibinibigay ito! Obviously… publicity mileage ang habol. Ibigay niyo sa mga noranian na artista like Regine Velasquez who obviously need some himala sa itsura niya.

  3. Maja mas bagay sa Himala
    SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio Updated June 28, 2009 12:00 AM

    Photo is loading…

    I’m sure mas nagbibigay ng problema kay Maja Salvador ang pagiging isa niyang magaling na aktres. Paano kasi, kung kani-kanino na siya itinatapat at inihahambing ngayon. Hindi siya magiging komportable kapag natapat siya sa isang may edad na at beteranong artista.

    Sa Villa Estrella na kung saan ay isa lamang siya sa apat na lead stars na maituturing ding magaling umarte (Jake Cuenca, Geoff Eigenmann at Shaina Magdayao), mismong ang direktor ng movie na si Rico Maria Ilarde ang pumupuri sa performance niya.

    Isa pang siguradong nagbibigay sa kanya ng alalahanin ay ang sinasabing mas epektibo siyang Elsa kapag ipinagkatiwala sa kanya ang role ni Nora Aunor sa remake ng Himala. Una nang nakonsider sa role si Angel Locsin.

  4. ayaw ko rin sa angel locsin na yan hindi bagay sa kanya ang himala Idol na Idol namin si Nora Aunor hindi kami papayag na gawing remake ang pelikula niyang napakaganda lalo na sa starlet na yan

  5. AYAW NAMIN SA ANGEL LOCSIN NA YAN NOH! TRYING HARD UMAKTING… WALANG WALA SIYA SA IDOL NAMING SUPERSTAR NORA AUNOR… HINDI KAMI PAPAYAG NA I REMAKE ANG PELIKULA NI ATE GUY! LALONG LALO NA SA BABAENG YAN! BAKA SIYA PA ANG DAHILAN SA PAGKABABOY NG PELIKULANG HIMALA NG IDOL NAMIN… LAOS NA ARTISTA NA YANG SI ANGEL LOCSIN NOH!

    • LAOS??

      From which planet are you from? Angel has multiple endorsements, top-rated teleserye, upcoming movie with Aga and teleserye with JLC.

      Kung laos si Angel, wala nang sikat!

Leave a Reply

Your email address will not be published.