Hiling ni Marcos sa Palasyo: Ibalik ang kinaltas na IRA ng LGUs

HINILING NI SEN. Bongbong Marcos sa Malacañang na ibalik ang kinaltas na 4.8 percent sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga local government units.

Nangangamba si Marcos, chairman ng Senate committee on local government na maapektuhan ang lokal na ekonomiya ng bawat LGUs sa ginawang pagkaltas ng Palasyo.

“The fiscal crisis LGU’s are facing in light of the reduction in their IRA by 4.8% and the expected lackluster performance of the country’s economy by year end is now further threatened by a looming world recession,” anang Senador.

Iginiit ng senador na dapat bigyang-halaga ng administrasyong Aquino ang pondo ng bawat lokal na pamahalaan lalo’t tumaas ng 20 porsiyento ang pondo para sa susunod na taon.

“The 20% increase in the new budget and the administration’s much touted savings should all the more compel them to assist the LGU’s fiscal predicament that foretells of greater suffering for our people particularly those in the countryside, if left unassisted,” dagdag pa ni Marcos.

Binigyang-diin pa ng senador na mahalagang sapat ang pondo ng lokal na pamahalaan lalo na’t nakasalalay rito ang kapakanan ng mga mahihirap nating kababayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.