Hiling ng Mulawin vs Ravena fans: Rodrigo at Rafael, gawan ng love angle!

Derrick Monasterio and Kiko Estrada

NAKAKALOKA TALAGA ANG mga fans ng Mulawin vs Ravena! Sa totoo lang, marami ang duda na malalampasan ng bagong version ang original na pinagbidahan noon nina Richard Gutierrez, Angel Locsin at Dennis Trillo. Ang Mulawin ang naging daan para makamtan ng tatlong artista ang kinalalagyan nila ngayon.

Kahit na nilayasan na nina Richard at Angel ang Kapuso network (at baka makatapat pa nila ang La Luna Sangre!), loyal naman si Dennis Trillo at kitang-kita ang effort niya bilang Gabriel, na ngayo’y Hari ng Halconia.

Bea Binene

Ipinakilala na ang bagong henerasyon sa Mulawin Vs Ravena at pansin namin na parang ibinalik lang din nila ang original: Si Derrick Monasterio bilang Almiro/Rodrigo ang parang Aguiluz ni Richard Gutierrez, Bea Binene as Anya now ay parang si Angel Locsin as Alwina noon at si Kiko Estrada  as Rafael naman ang parang Gabriel noon ni Dennis Trillo. 

Ngayong malalaki na sila ay parang bumabalik na ang nasirang pagkakaibigan nina Rodrigo at Rafael. Nalaman na kasi ng huli na ang una talaga ang nagligtas sa kanya kaya buhay pa siya. Dahil siguro sa guilt ay paunti-unti nang nanunumbalik ang kanilang pagkakaibigan… o mag-transform kaya ito sa pag-iibigan?

For some reason ay kilig-kiligan ang mga fans ng show (a.k.a. Sabungeros? Haha!) at wini-wish nila na sana’y instead of Rodrigo/Almiro-Anya vs. Rafael-Anya ang labanan ng love triangle, dapat daw ay sina Rafael at Anya ang maglaban para sa puso ni Rodrigo/Almiro. Kalerks!

Kiko Estrada and Derrick Monastero as Rafael and Rodrigo/Almiro sa Mulawin vs Ravena

Pinanood namin ulit ang ilang clips sa mga episodes and tama nga sila: May chemistry sina Kiko Estrada at Derrick Monasterio! Para silang budding TomDen (Tom Rodriguez-Dennis Trillo) noon sa My Future Husband. Mga titig pa lang nila, alam mong sabik sila into something. That might be friendship for now, pero pwede nila ‘yan laruin.

Sa ngayon ay hindi pa rin umaariba sa ratings ang Mulawin vs Ravena. Ang Encantadia din naman ay slow ang umpisa, pero umariba nang maganap ang ‘Fall of Lireo’ at naging fierce bigla si Reyna Amihan (played by Kylie Padilla) at pinakinggan nila ang hiling ng fans na i-push ang ‘YbrAmihan’ (Kylie Padilla and Ruru Madrid). Sayang nga at hindi na-maintain ang momentum, pero at least umariba!

So paging GMA! Kung gusto ninyong umariba ang ratings niyo, don’t play safe. I-push ang Rafael-Rodrigo at gawing third wheel na lang si Anya na panakip-butas! Push!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.