Hiling ng MMDA sa Comelec: ‘No-clean up, No Proclamation’

IMINUNGKAHI NG Me-tropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Commission on Elections (Comelec) na magpalabas ng polisiya na “no-clean up, no proclamation” para sa mga kandidato na tatakbo sa mga susunod na eleksyon.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na kakausapin niya si Chairman Sixto Brillantes upang magkaroon ng pagkukusa ang lahat ng kandidato sa pagwalis sa kani-lang mga basura tulad ng sample ballots, mga tarpaulin at iba pa.

Samantala, nais din Tolentino na hingian ng Comelec ng “cash bond” ang mga kandidato na hindi ibabalik kapag hindi nilinis ang mga basura at campaign materials nila makaraan ang botohan.

Maaalala na sinimulan na ng MMDA ang paglilinis sa mga presinto, pader at mga kalsada kung saan tone-toneladang basura ang kanilang nakuha.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.