Hilagang Luzon, Niyanig ng Lindol

NIYANIG NG magnitude 4.0 na lindol ang ilang bahagi ng hilagang Luzon.

Ito ang naging ulat ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs),

matapos matukoy ang lindol ganap na alas-2:01 ng madaling-araw noong Linggo.

Nakita ang epicenter nito sa layong 23 kilometro sa timog kanluran ng Calayan Group of Islands sa lalawigan ng Cagayan.

May lalim itong 15 kilometro at maituturing umanong mababaw na pagyanig.

Nabatid na tectonic ang pinagmulan ng lindol at walang kaugnayan sa anumang posibleng volcanic activity sa lugar.

Wala namang nakikitang posibilidad ang Phivolcs ng mga susunod na aftershock.

(EUNICE CALMA)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.