Hilagang Luzon, Niyanig ng 5.8 na Lindol

NIYANIG KANINA ng magnitude 5.8 na lindol ang ilang bahagi ng Hilagang Luzon, base sa ulat ng US Geological Survey (USGS).

Ayon sa report, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 126 kilometro (78 milya) hilaga hilagang silangan ng Laoag City, Ilocos Norte o sa 160 kilometro (99 milya) sa timog timog kanluran ng Basco, Batanes.

Naramdaman umano ito ganap na alas-12:36 ng madaling-araw.

May lalim itong 25.5 kilometro o 15.8 milya.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, ang 5.0 o higit na magnitude ng lindol ay may lakas na maaaring makagising ng mga natutulog na tao at bahagyang makapagpagalaw ng ilang kagamitan.

Pero ito umano ay depende pa rin sa layo o lapit ng tao sa epicenter ng lindol.

Nakaaapekto rin umano sa lakas ng pagyanig ang lalim at uri ng lindol.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.