Hikaw sa Dila, Nalulon ng Dalagita

ISINAILALIM NA sa ob-serbasyon ang isang 16-anyos na dalagita matapos malulon ang hikaw sa dila.

Nakilala ang nasabing  biktima na si Lalaine Joyce Rodriguez, ng Panacan, Davao City.

Ayon sa salaysay ng ina ng biktima na si Pinky, pinagalitan niya umano ang anak dahil sa hikaw nito sa dila kaya tinanggal ng dalagita ngunit kinagabihan ay muling ibinalik.

Nagulat nalang ang biktima nang kinabukasan ay wala na ang hikaw sa dila nito at nang hanapin ay hindi rin nito makita.

Nang kumonsulta sa manggagamot, nakita sa x-ray ang hikaw na wala sa lalamunan ngunit nasa tiyan na ng biktima.

Samantala, sinabi naman ng mga doktor na isasailalaim muna nila sa obserbasyon ang dalagita at kung hindi ito mailabas kasabay ng dumi nito, maaring isasailalim na lamang nila ito sa operasyon.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.