Hihingin na ang kamay ng dalaga? Derek Ramsay, gustong ma-meet nang personal ang daddy ni Angelica Panganiban

DUMATING NA ng bansa si Derek Ramsay mula sa Dubai at ayon sa aktor sisimulan na nila ni Bea Alonzo ang pelikulang pagsasamahan, kung saan ay wala na raw siyang nararamdamang pagkaasiwa dahil nakasama na niya ang dalaga sa maraming proyekto sa ABS-CBN.

“Masarap kasama si Bea. Wala kasi siyang arte sa katawan. Siya ‘yung hindi mo kailangang i-please, dahil very bubbly kaya masaya sa set,” tuluy-tuloy na panimula ni Derek.

Sa kabilang banda, inamin ni Derek na balak nila ni Angelica Pa-nganiban na magtungo sa Amerika upang dalawin doon ang ama ng aktres.

“Matagal nang plano namin iyon ni Angel. At sana this year, matupad iyon dahil gusto ko rin namang ma-meet nang personal ang daddy niya.”

Wala pa raw balak magpakasal sina Angel at Derek pero kung sakaling maisipan na nilang lumagay sa tahimik ay beach wedding ang gusto nila.

“Parang mas maganda kasi ‘yung nasa isang island lang kayo, walang pressure habang ikinakasal. At siyempre, gusto namin ni Angel, lahat ng mga taong malalapit sa amin ay nandu’n,” sundot pa ng aktor na nagsabi pang ayaw na niyang patulan ang balitang may bago siyang dine-date na babae na nakita sa nakaraang concert ni Anne Curtis.

“As what I’ve said, Morly, hindi ko dini-deny iyon. Totoong may kasama ako pero mga kaibigan ko iyon. At kapag kaibigan ko ang isang tao, never ko siyang ide-deny kahit ano pa ang mangyari,” pagwawakas ni Derek sa Pinoy Parazzi.

 

AFTER GIVING birth last year, heto at sumabak na uli sa camera si Glydel Mercado. At ayon sa may-bahay ni Tonton Gutierrez, hindi biro ang pinagdaanan niya sa kanyang panganganak dahil muli na namang nasuong sa panganib ang kanyang buhay.

“Mahirap kasi akong manganak. Matagal akong mag-labor. Talagang feeling ko ay nanganganay uli ako to think na nandiyan na si Aniza, ‘di ba?”

Ayon kay Glydel, ang dahilan kung bakit nanganib ang kanyang buhay ay dahil sa problema sa matris.

“Hay naku, sabi ko nga kay Tonton, tama na muna ang dalawa, mahirap na.”

Baka raw kasi sa susunod ay bigla siyang mawala sa Earth.

Sa kabilang banda, inamin ni Glydel na bukod sa guesting niya sa Channel 7 para sa isang soap opera, wala na siyang work na siyang dahilan kung bakit mapapanood siya sa mga darating na araw para sa Untold Story ng TV5.

“Sanay ako sa trabaho kaya parang hindi talaga ako sanay na nasa bahay lang. Dapat nga noong Christmas pa ako nag-work, pero ayaw ni Ton. Gusto niyang magpahinga muna ako,” pagwawakas ni Glydel.

 

BUKOD KAY Marian Rivera, wala nang ibang big star sa Channel 7, at ang dahilan ay nararamdaman ng ibang artista na hindi sila magbu-boom nang todo kung mananatili sila sa nasabing TV Network. Bias daw kasi ang Channel 7.

“Actually, hindi naman sana aalis si Iza Calzado sa Channel 7. Kaya lang, ang tagal-tagal na niya sa Channel 7, pero tignan mo naman ‘yung mga project na napupunta sa kanya,” pangangatwiran iyon ng isang taong malapit sa aktres na nagsabing may dahilan kung bakit umalis si Iza sa mother studio nito.

“Tingnan n’yo, may susunod pa, kasi nga may mali sa Siyete,” sunud-sunod na pahayag iyon ng aming source.

Kung pagtutuunan ng pansin. Parang may dahilan ngang umalis si Iza sa Siyete, dahil karamihan sa mga proyektong ginawa ay one of those lang sa mga pucho-puchong proyekto ng Channel 7. Unlike kay Marian na de-kalidad talaga ang mga programang napupunta sa aktres.

“Bukod kay Marian, sino lang ba ang sikat sa kanila? Unlike sa Channel 2 na kahit marami silang artista ay pare-parehong sikat ang mga ito. Kumbaga, patas ang naibibigay nilang project at publicities.”

Kung tutuusin, wala pa si Marian sa Siyete ay naririyan na sina Iza at Diana Zubiri at iba pang senior stars, pero kapuna-puna na since nang dumating si Marian, biglang nangulimlim ang career ng mga naunang aktres. Kasi kasalanan din ng mga big boss ng rainbow network dahil nakapokus ang kanilang atensiyon sa kasintahan ni Dingdong Dantes.

Sa kabilang banda, hindi naman siguro kasalanan ni Marian kung pagbuhusan siya ng panahon at atensiyon ng mga big boss ng Siyete, dahil ginagawa lang niya ang kanyang trabaho. Nagkataon lang sigurong mas malaki ang paniniwala at mahal siya ng mga boss ng channel 7. Tsuk!

 

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

8 thoughts on “Hihingin na ang kamay ng dalaga? Derek Ramsay, gustong ma-meet nang personal ang daddy ni Angelica Panganiban

  1. Tama! tama! binigyan si Iza ng isang teleserye pero, kailanagng magbilad ng katawan sa TV, in short ginawa pa syang BOLD STAR! Pero baka nagtagal yan sa DOS baka ganun din ang gagawin sa kanya dahil tignan nyo mga pinasikat na artista ng DOS Bea Alonzo, Cristine Reyes, Anne Curtis, panay na lang pagpapkita ng katawan ang pelikula nila, susunod na si Kim s akonting panahon. Tignan nyo nga si Tandang Kris Aquino, sasabak na rin sa mga torrid kissing scenes!!! hahahahahaha ayaw paawat ang LOLA nyo! hahahahahaha too MUCH SEX in ABSCBN teleseryes. Hindi maganda para sa mga bata. Pati nga mga comedy sitcoms nila, may bahid na sex ang tema!!! Tapos panay ang panalo daw nila!!! Ganyan ba ang dapat ipalabas sa atin. TOTOO NGANG 3rd world pa rin tayo, kasi tignan nyo mga palabas sa mga TV at pelikula ng PINOY… CHEAP! very CHEAP palagi lang sa SEX umiikot…4ket mag bold din ang foreing films, HINDI na lang yun at yun ang tema na ginagawa ng galing sa ibat ibang bansa! Nakakahiya ang mga Pinoy gustong gusto lahat ka IMMORALan!

  2. ano namang maraming project si iza? puro pipitsuging roles naman, kaya tama lang na lumayas siya sa basurang network na yan, mwahahah

  3. “Marami” nga ang naging shows ni Iza pero halos lahat sinalo lang niya sa mga artistang hindi natapos ang project o umalis ng network. Tapos ang binigay pang project sa kanya ay ang pipitsuging Beauty Queen na ginawa pa siyang bold star. Tama lang decision niya na lumipat ng Dos para mag “shine” na siya. Okay lang sana kung walang patid ang projects na ibinibigay kay Marian kung magaling sana siyang umarte. Hype Queen lang talaga ang Primtetime Queen sa praise releases ng 7. Pak!

  4. Dapat morly mag research ka muna bago ka magsulat. Si IZA ang may pinakamaraming project sa GMA. AT kung pagbabasehan sa dami ng nagawa niya sa loob lamang NG ISANG TAON masasabi mong siya ang TUNAY NA REYNA kumpara ke MARIAN. Dahil si Marian isang SHOW lamang ang ginagawa niya isang teleserye pag tapos na isa, me kasunod naman ulit. SI IZA MERON SIYANG SARILING SHOW SA QTV, NILAGAY PA SIYA SA NEWS AND CURRENT AFFAIRS, MERON SIYANG SARILING ROM COM kasama si cesar montano MERON PA SIYANG MOVIE TAON -TAON, AT NILAGAY DIN SIYA SA EAT BULAGA NA ARAW-ARAW SIYA DUN MULA LUNES- SABADO. SA LINGGO NAMAN SA PARTY PILIPINAS PA SIYA. Ganyan ang importansiya sa kanya sa GMA. lahat na yata binigay na ng GMA KE IZA mula hosting – news and current affairs-comedy- drama-fantaserye sumasayaw pa siya sa party pilipinas. Si marian naman isang serye lang ang ginagawa niya at pag tapos ang isang serye niya aantayin pa na matapos ang isang serye saka siya ulit isasalang na kapalit sa serye na yun. Si IZA AT SI DINGDONG ay mag bestfriend at magkakaibigan din sila ni Marian kaya dapat hindi kayo gumagawa ng issue. Kahit KAPAMILYA O KAPUSO magkakaibigan pa rin yang mga artista na yan.

  5. totoo naman ang sinulat ng writer na toh! kung talagang showbiz watcher ka at nanonood talaga ng mga local shows, si marian lang ang nag iisang reyna ng gma7 kaya sa kanya lahat ng shows sa gma7! eh sa kapamilya, pantay pantay! kung magtatanong ka ng mga artistang babae sa gma7, si marian rivera lang ang masasabi nila eh sa abs? andyan sina anne curtis,angel locsin,kris aquino,kim chui,bea alonzo,angelica,isa m na rin ang bagong lipat na si calzado! kaya mag isip isip ang gma7 na dapat patas sila! kaya hindi na sila nag nunumber 1 dahil masydo silang confident na kahit si marian lang, aangat pa rin sila! AT PWEDE BA, wag namang ipangalandakan ng gma7 na nanguna sila nung 2011 at patuloy na nangunguna ngayon 2012 sa ratings game! utang na loob! alam ng lahat na number 1 nung 2011 at ngayong 1st quarter ng 2012 ang abs kaya natatawa na lang ako na panay ang pagpapalabas ng commercial ng kapuso na numero uno sila samantalang ang kapamilya eh walang ganung commercial kasi alam ng lahat, nangunguna ang kapamilya! magbasa basa sa mga showbiz articles at mag aagree pati mga tabloid writers at mga de kalidad na mga writers! AGAIN, mga taga gma7, give chances sa mga unknown artists nyo at isipin nyong mabuti kung bakit walang kadating dating mga soap operas nyo at pwede, pakitanggal mga walang kwentang shows nyo?… nakakapagod, ang hirap pag affected! HAHAHAHAHAHA

  6. si derek, hihingin ang kamay ni angelica? buhkeetttt, na ANNULed na rin ba ang marriage niya gaya nina Kris at James?

  7. Naku Morly, nanisi ka na naman ng hindi mo ginagamit ang utak mo, at pinag diskitahan mo na naman si Marian na very hardworking at ginagawa lahat ng mga challenges at assigned work na bigay ng management ng GMA7. Siguro nagtataka ka kung bakit si Marian, tuloy tuloy ang mga projects, kasi nga, masipag siya at dedicated sa trabaho. Kita mo naman sa Amaya, buong puso at buong lugod niyang ginawa ang mga training at ensayo para sa mga fight scenes at sa iba pang mga eksena. Hindi tulad ng idol mong si Angel Locsin, walang dedication sa trabaho at puro si Phylly ang inaatupag at tinitiratira. Si Marian marunong tumanaw ng utang na loob, si Angel certified na ingrata.

  8. C MARIAN PSYCHOLOGY GURANG NA. BAGAY SA KANYA EH MGA NANAY ROLES NA LNG. LASPAG NA CYA KAYA PWEDE RIN NMAN CYANG GUMAWA NG SOFT PORN NA IPAPALABAS SA GABI. BWAHAHAHAHAHAHAH

    C ANGELICA PANGANIBAN DI YAN PAKAKAKASALAN NI DEREK NA SAKANG KC MARRIED PA RIN C DEREK AT MUKHANG AYAW NG FAMILY NI DEREK K ANGEL NA BUKOD SA G.I. BABY NA ANAK NG MAID EH WALANG PINAG-ARALAN AT WALA PANG MANNERS. MASYADONG INSECURE KYA LAHAT NG BAABENG MADIDIKIT K DEREK EH PINAGSESELOSAN. HANGGANG PARAUSAN NA LNG C ANGEL KAWAWA NMAN. MASYADO KCNG AMBISYOSA! BWAHAHAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.