Hihingian daw ng pang-tuition Ethel Booba, turned-off na inisplitan ang pamintang dyowa!

BLIND ITEM: I’m sure, ‘yung ibang artistang kasama sa kanilang show abroad (at bakasyon na rin) ay deadma rito, pero ‘yung isa naming source ay excited pang ibinalita sa amin na magkasama sa isang hotel room ang parehong TV host.

Noon pa naman natsitsismis na magdyowa ang dalawang ito, pero wala naman din tayong nakukuhang kumpirmasyon o denial mula sa kanila, kaya nananatiling naka-hang ang “real score” sa dalawa.

Kung kilala namin pareho ang dalawang ito, since wala tayong narinig mula sa kanila eh, mas gusto nilang sa kanila na lang kung anumang relasyon meron sila.

Pero siyempre, pasensiya na rin sa dalawa kung nakakalkal ang kanilang relasyon o nasusundan ng mga “spy” ang kanilang whereabouts, dahil pareho silang kilala, eh.

Heto ang aming source at kinukumpirmang magkasama sila sa isang hotel room, pero para paniwalaan namin ito ay useless din kung ang kalaban naman namin ay denial din, ‘di ba?

Let’s just put it this way na lang. Kung happy sila na magkasama sa isang hotel room, so be it. Kung pareho silang maligaya sa isa’t isa, hindi ‘yon maibibigay ng ibang tao sa kanila.

Malalaki na sila. Nasa wastong gulang na para mag-decide sa mga sarili nila kung ano ang makabubuti sa kanila. So maging happy na lang tayo for them.

Kung idenay man nila ito, eh ‘wag nang ipilit ng aming source na tama siya, dahil ang ending niyan, siya pa rin ang mali, dahil siya ang tsismosa, hahahaha!

Basta para sa amin, bagay sina B at si P.

 

NU’NG UNA naming isinulat ito at itinwit pa ay nagpupuyos sa amin sa galit si Ethel Booba. Nandu’ng personalin pa niya kami, pero hindi na rin namin pinatulan.

Iniisip namin, kasi nga, baka lasing nu’ng nagtu-tweet, kaya hinayaan na lang namin.

Tungkol sa bago niyang dyowa ang itinwit namin (pa-blind item pa ‘yon, huh!). Dalawang taal na Cebuano friends namin ang nagtsikang bading ang bagong dyowa ni Ethel.

Pero sa amin naman, walang masama kung bading ito, dahil dyusko, lalayo pa ba, ‘di ba? Eh, kami nga, me misis din at apat na anak, ‘di ba? Ang pagkakaiba nga lang, alam ng dyowa namin na bading kami.

Si Ethel, ang alam niya ay trulalung mhin ang dyowa niya. Kung aware lang si Ethel na bading na pamhinta ang dyowa niya, eh ‘di happy kami for them.

Heto nga’t ang latest, two days ago ay na-high blood sa twitter si Ethel at kung anu-ano ang tinatalak du’n sa dyowa niyang pa-mhin at me banta pa si Ethel na ‘pag hindi siya tinigilan nito ay makakatikim ito sa kanya.

Binlak na nga ni Ethel sa twitter ang kanyang ex-dyowa, eh.

Ang nakarating sa amin, eh hinihingan daw ng dyowa itong si Ethel ng pang-tuition fee, dahil nga nag-aaral pa ito. Ang sagot ni Ethel, “Ba’t ako hinihingan mo? Hindi naman ako bakla. Babae ako.”

Na-turn-off daw itong si Ethel, kaya nakipag-split, kaya pati ang profile pic nitong kasama ang dyowa ay pinalitan na ng iba.

 

TRAILER PA lang ng Moron 5 and The Crying Lady  ay ewan kumbakit nakanganga palagi kami sa panonood. And to think, napanood na namin ‘to, ha? Pero naaaliw pa rin kami, lalo na sa ‘Pinoy Henyo’ nina John Lapus at Ate Glow.

Sa April 7 na ito palabas as in Black Saturday na, kaya sakto ‘to sa “lungkot” ng mga Pinoy nu’ng Holy Week.

At pangangalawahan namin si John Lapus na ang pinaka-daks kina Luis Manzano, Marvin Agustin, DJ Durano Martin Escudero at Billy Crawford ay sino pa nga ba, kundi si Billy, ‘no!

Kinumpirma rin sa amin ng isang friend ito, hahaha!

Pero lilinawin na naming hindi si Nikki Gil, ha? Dahil kami ay naniniwalang wala pa talagang nangyayari sa kanila, dahil according to Nikki, “Gusto ko, after kasal, ‘no! Kung hindi makapaghintay at pipilitin ako, goodbye na, ‘no!”

So ibang tao ang nagkuwento sa amin, hindi si Nikki.

No, definitely, hindi si Kuya Germs, dahil babae ang nagkuwento sa amin. Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

10 thoughts on “Hihingian daw ng pang-tuition Ethel Booba, turned-off na inisplitan ang pamintang dyowa!

  1. eh pano naman naka rating sa new york ang ex jowa ni ethel kung pang tuition nga d afford.?? mag esep esep ka muna ogie bago ka tumalak.  baka kase wala nang maniniwala sayo . puros chika wala ka namang ebidensya. wag mo sabihin si ethel din nag gastos pang NEW YORK ng ex nya ? give up na nga sya sa tuition lang/ #laosNaKase. check mo FB nya ohh kaya twitter nasa NY si handsome bitter lang si comedian kahit passport wala.

  2. to Mr./Ms.? Ogie Diaz, pwede ba sa susunod eh ung article mo nalang ang makikita namin? wag mo na isama PLEASE ung picture mo. nakakasuka at nakakairita. wala ako ibang makita sa pic mo kung hindi ang kamukha mong si tsokol8 at libo libong pera. mukha ka kasing halimaw sa pera.

  3. Ethel, siguro ito ang pinaka matalino mong ginawa, Huwag mong pababayaan na gawin kang sugar mommy. Matalino ka naman, Hindi ka booba.

  4. Lumabas ba ng bansa si Bianca Manalo at John Prats ? Kasi parang ang clue rin ay “Happy” as in Happy Yipee Yehey, B as in Bianca at P as in Pratty. Puwede rin sila.

  5. obvious naman si bossing vic sotto at pauleen luna ang BI. pero meaning ba nito ay si bossing ang nakauna kung sakaling nagkulong sila sa kwarto? wag nang mag maang maangan na si bossing ang “nakauna” kay pauleen, kasi diba bago si bossing naging single si pauleen at sinasabi nya sa mga interview sa FHM evnts noon na certified virgin pa sya, so meaning si bossing nakauna? kung si vic nga, naku ha hahahaha. anong sense?  naalala ko kasi yung sinabi ni pauleen at talagang ipinagmalaking virgin pa sya. hahahaha

  6. yes magkasama nga sa isang kwarto si vic sotto at pauleen luna. ok lang yon… marami naman talagang imoral sa industriya ng libangang Pilipino noh?

Leave a Reply

Your email address will not be published.