Higpitan ang Seguridad sa Korte – De Lima

AGAD NA ipinag-utos ni Justice Secretary Leila de Lima ang paghigpit sa seguridad sa lahat ng korte sa buong bansa.

Ayon kay De Lima, hindi na dapat na maulit ang naganap na pamamaril sa Branch 6 ng Cebu City Municipal Trial Court na ikinasawi ng isang complainant na doktor at private lawyer nito sanhi ng pamamaril ng isang Canadian national na respondent sa kasong Maliscious Mischief.

Sinabi naman ni Prosecutor General Claro Arellano, dinala na sa ospital si Prosecutor Theresa Casino na biktima rin ng pamamaril.

Kinumpirma rin ni Court Administrator Midas Marquez na inatasan na niya si Executive Judge Maamo na ipatigil ang lahat ng pagdinig doon.

Samantala, agad namang tumulak si Marquez sa Cebu City upang alamin ang nangyari alinsunod na rin sa kautusan ni Chief Justice Maria Lourdes-Sereno.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.