Higit P600-M Pork barrel funds, inilaan sa TRC

INAMIN NI dating Technology Resource Center (TRC) Head Dennis Cunanan na “provisonal state witness” sa kontrobersiyal na P10 bilyong PDAF scam na u-maabot sa P600 milyon ang pork barrel funds na inilaan ng tatlong mga senador na sangkot sa anomalya.

Sinabi ni Cunanan na ang naturang halaga ay narekord sa nasabing tanggapan nang siya ay nanilbihan pa bilang director ng TRC o Technology and Livelihood Resource Center.

Sa nabanggit na pondo ito umano ay napunta sa bogus na NGO ni Janet Lim-Napoles na pangunahing akusado sa kasong plunder sa Office of the Ombudsman.

Kabilang sa mga tinukoy nito sa kaniyang pahayag na mambabatas na naglaan ng kanilang priority development assistance funds para sa mga taong 2007 hanggang 2009 ay sina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Binigyang-diin ni Cunanan na ang naturang ahensiya ay nagsilbing implementing agency para sa mga proyekto ng mga mambabatas.

Ang nasabing halaga ay mas mataas kung ikumpapara sa naging rekord ni Benhur Luy na pangunahing witness rin sa pork barrel scam na nasa P539 milyon bilang pinakahuling transaksyon ng mga dawit na mambabatas sa halos kaparehong taon.

Ang nabanggit na mga akusasyon sa kanilang pork barrel funds ay una na ring itinanggi ng mga sangkot na mga mambabatas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.