Higit P13-M, sinira ng lindol sa Visayas

TINATAYANG NASA mahigit P13 milyon ang naitalang inisyal na halaga ng pinsala ng magnitude 7.7 na lindol sa bahagi ng Eastern Visayas.

Base sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang nasirang Layug Bridge na nag-uugnay ng Borongan at Taft sa bayan ng San Julian, Eastern Samar, kung saan tinatayang nasa P4 milyon ang cost of damage.

Nagkaroon din umano ng bitak ang railings ng Sulat Bridge sa bahagi ng Wright-Taft-Borongan roads.

Maliban sa mga tulay, nasira rin umano ang ilang pangunahing kalsada at pantalan sa ilang bayan sa Region 8.

Una nang ipinag-utos ng Palasyo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na bilisan ang damage assessment at agad ayusin ang mga nasirang tulay at daanan dahil sa naganap na lindol.                                                                                                                                        Matatandaang base sa ulat ng PDRRMC sa Eastern Samar, nasa tatlong tulay ang nasira habang marami ring kalsada ang nagkaroon ng crack na kailangang ayusin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.