Higit P1-trilyong Utang sa LGUs, sinisingil sa Palasyo

INOOBLIGA NG isang kongresista ang kasalukuyang administrasyon na bayaran ang mahigit P1-trilyong utang nito sa local government units (LGUs) mula sa shares ng internal revenue allotment (IRA).

Base sa inihaing petition for mandamus sa Supreme Court (SC), sinabi ni Bataan Rep. Enrique “Tet” Garcia na mula 1995 ay hindi natanggap ng LGUs ang tamang shares sa national taxes na itinatadhana ng batas.

Inihalimbawa nina Atty. Emiliano Pomer at Aurelio Angeles Jr., mga abogado ni Garcia, na noong 1995 ay dapat na nakatanggap ang mga pamahalaang lokal ng 30-porsyento ng kabuuan ng nakolektang buwis.

Noon lamang aniyang 2009 hanggang 2011 ay mahigit P233-bilyon ang kakulangan ng national government sa IRA shares para sa LGUs.

Samantala, binigyang-diin pa ni Garcia na dapat maibigay sa lalong mada-ling panahon ng national government ang obligasyon nito sa mga lokal na gob-yerno para sa pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran sa buong bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.