Higit 700 Pagyanig, Naitala sa Western Visayas – Phivolcs

PUMALO NA sa 734 ang naitatalang pagyanig ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) matapos ang magnitude 6.9 na lindol kamakalawa sa Dumaguete City at iba pang karatig lugar.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, pinakamalakas sa mga pagyanig na ito ay naitala kamakalawa ng gabi, habang inaasahan pa rin ang karag-dagang mga pagyanig hanggang sa susunod na linggo.

Inalis naman ni Solidum ang pangamba ng publiko sa posibilidad ng mas malakas pang aftershock dahil karaniwan naman umanong pagyanig ay mas mahina kumpara sa unang pagyanig nito.

Pinapayuhan pa rin ng Phivolcs ang lahat na mag-ingat dahil sa dalas ng lindol ay posibleng bumigay ang ilang istraktura na hindi napuruhan sa 6.9 magnitude kamakailan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.