Higit 600,000 Loose Firearms, Uubusin ng PNP Bago ang 2013 Elections

BALAK NG Philippine National Police (PNP) na maubos na ang aabot sa 610,000 loose firearms sa bansa bago magsimula ang 2013 midterm elections.

Sinabi ni Chief Inspector Nelson Bautista ng Inspection and Enforcement Section, Firearms and Explosive Office ng PNP na umakyat na sa 610,000 ang bilang ng mga loose firearms o hindi lisensyadong baril mula taong 1997 hanggang Agosto 2012.

Ayon pa kay Bautista, hindi pa nila matukoy kung kasama sa naturang bilang ang mga baril na ginagamit ng private armed groups na talamak naman tuwing darating ang halalan.

Kasalukuyang hawak aniya ng PNP ang listahan ng mga may-ari ng baril.

Pinaalalahanan din ng opisyal ang mga may-ari ng baril na iparehistro na ang mga ito bago pa nila kumpiskahin at sampahan ng kasong illegal possesion of firearms.

Samantala, may hanggang anim na buwan pa ang mga may-ari ng baril para magparehistro sakaling nakaligtaan lang ng mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.