Higit 5,000 Vintage Bombs, Isinuko

MAHIGIT 5,000 vintage bombs ang isinurender sa Explosive Ordinance Disposal Unit ng Pasay City Police ng isang junkshop sa naturang lungsod.

Umaabot sa isang tonelada ang bigat ng mga bomba na nakasilid sa sako.

Mga bala sa kanyon at mga bombang inihuhulog mula sa mga aircraft ang ilan sa mga isinuko.

Ibinenta umano kada kilo ang mga bomba sa nasabing junkshop.

Ito na ang ika-apat na beses na may nagsurender ng vintage bomb sa lungsod ngunit ito ang pinakamarami.

Pinaniniwalaang ang Pasay ang pinakamalapit na lugar nang maganap ang giyera sa Maynila.

Samantala, ipapasa ang mga bomba sa district headquarters ng Southern Police District (SPD) para sa tamang disposal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.