Higit 500 Kandidato sa Nakaraang Eleksyon, May Kaso sa Sandiganbayan

AABOT SA 504 kandidato sa nagdaang midterm elections ang may kaso sa Sandiganbayan, ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).

Base sa pagsasaliksik ng grupo na mula noong 1979 hanggang 2012, sangkot sa 1,883 kaso tulad ng malversation of public funds, usurpation of duties at iba pang krimen ang higit 500 kandidato.

237 sa mga ito ang nanalo. 169 dito ay mula sa Team PNoy habang 50 ang sa United Nationalists Alliance (UNA).

Karamihan naman sa mga ito ay tumakbong konsehal, bise alkalde at alkalde.

Tanging 17 lamang sa mga ito ang naipakulong.

Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Christian Robert Lim na posibleng lumobo pa ang bilang kung isasama ang mga kaso sa mas mababang korte.

Samantala, ipinababatid ng pag-aaral sa publiko na kahit may kaso ang isang kandidato, maaari pa rin itong mailuklok sa puwesto.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.