Higit 5-K, kumuha ng Bar Exams sa UST

MAHIGIT 5,000 Law graduates ang kumuha ng bar examinations kahapon sa University of Santo Tomas (UST) sa España, Maynila.

Alas-8:00 ng umaga nag-umpisa ang eksaminasyon sa Political Law ng kabuuang 5,593 bar takers na tumagal hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Alas-2:00 ng hapon naman hanggang alas-6:00 ng gabi ang pagsusulit sa Labor Law.

Binubuo ng 80-porsyentong essay at 20-porsyento multiple choice ang bar exam.

Gayan naman ng inanunsyo ng Korte Suprema, may bus na umantabay upang masakyan ng mga bar exam takers sa España.

Sinabi ni Supt. Isagani Genabe Jr., hepe ng Manila Police Distrcit na 300 tauhan din ng Manila Police District (MPD) ang ikinalat para tiyakin ang seguridad sa paligid ng pamantasan. Inaasahang dodoblehin ito sa huling araw ng eksaminasyon.

Apat na linggo ng Oktubre ang itinakda ng Supreme Court (SC)  para sa bar examinations.

Sa Oktubre 13, naka-iskedyul ang pagsusulit sa Civil Law at Taxation, sa Oktubre 20 ang Commercial Law at Criminal Law, at sa Oktubre 27 naman ang pagsusulit sa Remedial at Legal Ethics.

Samantala, una nang sinabi ni Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada na ipatutupad ang liquor ban sa paligid ng nasabing unibersidad sa lahat ng Linggo ng kasalukuyang buwan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.