Higit 3,400 pasahero, Stranded sa mga Pantalan

UMABOT SA mahigit 3,400 pasahero ang na-stranded sa mga pantalan, dahil sa pananalasa ni Bagyong Pablo, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Pinakamaraming na-istranded sa North at South Harbor sa Maynila, na aabot sa 939 indibidwal.

842 indibidwal naman mula sa Cebu, Dumaguete at Tagbilaran ang hindi na pinayagang makabiyahe habang 838 naman ay mula sa Cagayan De Oro City.

Aabot naman sa 251 sasakyang pandagat ang hindi na pinayagang bumiyahe kabilang ang 116 rolling cargo, 86 na iba’t ibang vessel at ang 49 motorbanca.

Ayon sa PCG, posible pang madagdagan ang bilang ng mga kanseladong biyahe.

Patuloy Rin umano ang pagbibigay nila ng abiso sa mga pasahero upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Naka-antabay na rin ang PCG sa posibilidad ng storm surge sa mga pangunahing pantalan sa bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.