Higit 30 katao, nadale ng food poisoning sa binyagan Bininyagan, nalason sa litson

HIGIT SA TATLUMPUNG katao kabilang ang mga bata pati na rin ang 2-taon gulang na batang lalaki na bininyagan ang nalason sa kinain na litson na umano’y hinihinalang ‘botcha’ na inihanda sa nasabing okasyon noong nakalipas na araw ng Linggo ng umaga sa Caloocan City.

Inoobserbahan ngayon sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC), matapos makaramdam ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga biktima na sina Ian Carl Robiso, 2; Genalyn Robiso, 28; Lalaine Refel, 11; Roshane Pastorete, 5; Junrey Pastorete at iba pa na hindi nakuha ang mga pa-

ngalan, pawang mga residente ng Samatad St., Brgy. 14, Caloocan City.

Ayon kina Barangay Kagawad Rommel del Prado at Zaldy Galit, alas-11 ng umaga araw ng Linggo, nagpabinyag ng kanyang anak si Robiso na si Ian Carl, at halos mga kapitbahay nito ay imbitado sa nasabing okasyon.

Isa sa mga nakahaing handa ni Robiso ay litson na binili sa Monchiz Lechon sa La Loma, Quezon City. Nang matapos ang okasyon ay wala pang naramdaman ang mga nakakain ng litson, subalit Lunes ng madaling-araw ay noon lamang nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga biktima.

Agad na nagtungo sa barangay ang ilang mga kaanak ng mga biktima upang humi-ngi ng tulong, dahilan upang tulungan sa pagdadala sa naturang pagamutan ng mga barangay tanod at kagawad ang mga ito upang ipagamot.

Sa inisyal na eksaminasyon ng mga manggagamot ng PDMMMC, ang litson na kinain ng mga biktima ang nakadale sa mga ito na hinihinalang double dead o botcha.

Habang isinusulat ang ulat na ito ay marami pa rin ang naka-confine sa nasabing pagamutan at inoobserbahan pa ang mga ito kung saan pinaiimbestigahan na rin ang pinagbilhan ng litson.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Higit 30 katao, nadale ng food poisoning sa binyagan Bininyagan, nalason sa litson

  1. Pingback: Higit 30 katao, nadale ng food poisoning sa binyagan Bininyagan, nalason sa litson | Pinoy News

  2. Pingback: Higit 30 katao, nadale ng food poisoning sa binyagan Bininyagan, nalason sa litson - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.