Higit 30 baril, narekober sa isang bahay sa South Cotabato

KORONADAL CITY – MAHIGIT sa 30 mga baril ang nakuha ng mga kinauukulan sa isinagawang operasyon sa Purok Malinawon, Barangay Lambuntong, Surallah, South Cotabato.

Ayon kay PO3 Edwin Cahuraw, investigator ng Surallah PNP, inihayag nito na umaabot 33 short firearms, maliban pa sa long firearms ang kanilang nakuha sa bahay ni Honorio Cabalida alyas Dodong sa nasabing lugar.

Ang mga short firearms ay kinabibilangan umano ng 11 pistols at 22 revolvers na pawang mga homemade.

May mga narekober din na machine gun, machine pistol, caliber rifle M203 at mga bala.

Isa umanong concerned citizen ang nagpaabot sa kanila ng impormasyon at sa pamamagitan ng Search Warrant, nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa bahay ng suspek, dagdag ni Cahuyaw.

Napag-alaman ng pulisya na gumagawa at nagsasaayos ng armas ang nasabing suspek.

Nakuha rin sa bahay nito ang mga makinang ginagamit sa paggawa nito ng mga nasabing armas.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Surallah PNP ang mga baril at ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.