Higit 150 Bihag Ng MNLF-Misuari Group, Na-Rescue

MAHIGIT 150 na ang nailigtas na bihag mula sa Moro National Liberation Front (MNLF) Misuari faction sa Zamboanga City.

Ito ay matapos umabot sa 117 bihag ang na-rescue ng mga tropa ng pamahalaan sa nakalipas na magdamag, bukod pa 34 unang nailigtas nitong Lunes.

Kinumpirma ni Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman ang kanilang naitalang bilang ng nailigtas.

Inaasikaso na aniya nila ang stress debriefing sa mga nakuhang bihag na ang ilan ay tulala at hindi makausap.

Na-trauma at pagod anya ang mga hitsura ng mga sibilyan. Nagpapasalamat naman ang mga ito sa kanilang pagkaka-rescue.

Patuloy pa rin nilang bineberipika sa mga nailigtas kung tunay ang mga report na naglabasan na inabuso at may ilan pa umanong pinagsamantalahan sa kanila.

Sa kasalukuyan, ilan sa mga panibagong nailigtas ang tapos nang ma-proseso at maaari nang makauwi kasama ang kanilang mga pamilya na naghihintay sa labas ng camp Eduardo Batalla Kawa-Kawa, Zamboanga City.

Pinangungunahan ng DSWD at PNP ang stress at tactical debriefing sa mga na-rescue na sibiliyan.

Samantala, hindi pa rin tiyak sa ngayon kung ilan pa ang hawak na bihag ng nasabing grupo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.