Higit 100 Bebot, Timbog sa Raid sa Caloocan

MAHIGIT 100 kababaihan ang pinagdadampot matapos salakayin ng mga awtoridad ang mga beerhouse sa Caloocan City.

Ito’y upang maberipika ang report na mayroong mga menor de edad na nagtatrabaho sa mga nasabing bahay aliwan.

Sinabi ni Deputy Police Chief Supt. Ferdinand Del Rosario, assistant chief of police for operations ng Caloocan na gusto nilang masigurong hindi pinamumugaran ng masasamang loob ang mga beerhouse.

Noong mga nakalipas na taon aniya ay may mga na-rescue silang menor de edad na nagtatrabaho sa mga naturang establisyimento.

Layunin din ng raid na maberipika ang permit ng mga negosyong ito.

Nagtataka naman ang pulisya kung bakit mayroong VIP rooms na maaaring nagiging pugad na rin ng prostitusyon.

Samantala, bukod sa mga pulis, kasama rin sa nasabing raid ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Public Safety and Management ng naturang lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.