High tech gadgets na binili ng gobyerno, gagamitin laban sa mga kritiko

SINABI NG oposisyon na bumili ang kasalukuyang administrasyon ng mga high tech na kagamitan para tiktikan ang kanilang mga kritiko.

Inihayag ni United Nationalist Alliance (UNA) secretary general Navotas Rep. Toby Tiangco na may natanggap silang impormasyon na noong nakaraang taon ay bumili umano ng halagang $3.4 milyon ang gobyerno ng gadgets mula sa German company na may basbas ng budget department.

Kabilang sa mga communications equipment ay wiretapping devices na kapareho sa gamit ng counter-terrorism intelligence operations sa Amerika.

Ayon kay Rep. Tiangco na maliwanag na gagamitin ang nasabing  modernong kagamitan sa mga taga oposisyon.

Hindi naman itinatanggi ng Palasyo na mayroong silang Special Allotment Release Order mula sa DBM.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.