High School Student, Positibong Na-Gang Rape

DAVAO CITY – POSITIBO na naging biktima ng isang gang rape ang isang second year high school student sa Davao City matapos lasingin muna ang biktima ng limang kalalakihan.

Ito ay batay sa resulta ng medical examination ng 14-anyos na biktima na kinilalang ni alyas Myrna at lumabas na may nagasgas sa pagkababae nito.

Una nang inamin ng biktima na may malay pa siya nang halinhinang pagsamantalahan ng mga suspek, ngunit hindi nakapanlaban dahil sa matinding

kalasingan.

Kabilang sa mga suspek si Gerald Lacandula na sinasabing pasimuno ng nasabing krimen, gayundin ang isang Bernard Nacion, 19; at alyas Tabriga.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.