High School Musical Fever

MANIWALA KA man o hindi, ang paboritong pelikula ng lahat ng mga bagets, ang High School Musical ay may sampung taon na ang nakalipas nang ito ay unang ipinalabas. Ang lakas bang makatanda?

Itong Enero lamang, nakitang nagsama-sama ulit ang ilan sa main casts ng High School Musical para i – tape ang kanilang 10th Anniversary Special. Ito ay sina: Vanessa Hudgens, gumanap bilang Gabriella Montez. Siya ay 27 years old na. Ashley Tisdale, 30 years old, gumanap bilang Sharpay Evans. Lucas Grabeel, 31, gumanap bilang Ryan Evans. Corbin Bleu, 26, gumanap bilang Chad Danforth at Monique Coleman, 35, gumanap bilang Taylor McKessie. Sila ay nagsama-sama muli sa Los Angeles High School gym para i-celebrate ang Disney Channel’s movie 10th year anniversary.

Ang nasabing 10th year anniversary special ay ipalalabas sa Disney Channel sa darating na January 20, 8 pm. Matatandaan na January 20 rin ng taong 2006 nang unang nag-premier sa telebisyon ang High School Musical 1, hanggang sa nasundan ito ng High School Musical 2 at 3.

Mapapansin din na wala si Zac Efron, gumanap bilang Troy Bolton, ang love interest ni Gabriella at naging kasintahan din ni Vanessa Hudgens sa totoong buhay, sa matagal na panahon. Pero ibinalita naman na kasama pa rin sa anniversary special si Zac, ‘yun nga lang, hindi ito sabay na tinape kasama ng mga ibang casts.

Ngayon, nagkalat na sa newsfeed natin ang mga reunion posts ng High School Musical casts. Lakas maka-major throwback nito. Kasi kasabay ng pag-throwback nila ay ang atin ding pagbabalik-tanaw sa ating tinatawag na patweetums years. Aminin, mapababae o mapalalaki man, naging life peg natin ang High School Musical. Memoryado nga natin ang lahat ng kanta rito. Ang bawat barkada ay may kanya – kanyang Vanessa, Troy, at Sharpay. Ating ginagaya pa noon ang mga eksena sa High School Musical. Kahit sintunado man tayo, pilit nating inaabot ang matataas na nota ng mga kanta sa High School Musical. Hindi lang ‘yon! Pati ang steps ng bawat sayaw sa pelikula ay atin ding kabisado. Ultimate barkada themesong din ng lahat ang “We’re All In This Together”!

Tayo rin ay number one fan ng Zanessa loveteam! Lalo na nang naging sila sa totoong buhay, lahat tayo ay kilig na kilig sa kanila. Sila pa nga ang ginawa nating relationship goals noon. Ngunit nang sila ay nag-break, lahat din tayo ay nalungkot. Araw-araw, tayo ay umaasa na sila ay magkabalikan. Kahit nakita at nabalitang may kanya-kanya na silang lovelife, tayo ay patuloy na umaasa na maging sila pa rin. Magpahanggang ngayon nga, umaasa pa rin tayo na baka sa huli naman talaga ay magkabalikan sina Vanessa Hudgens t Zac Efron.

Alam kong ng lahat ay nananabik na! Hindi na rin ako makapaghintay mapanood ang ultimate major throwback na magbibigay ng High School Musical feels sa High School Musical 10th year anniversary special sa January 20.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.