Hiding under different names, Maricel Soriano is admitted in a well-known hospital?

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Nakakalokang chikkahan na naman tayo, at dahil may bagyo na naman, paniguradong babagyuhin na naman ang mga chikkahan natin niyan, dahil mukhang dito lang din unang lalabas itong itsi-chikka ko sa inyo.

Itsi-chikka ko sa inyo ang sagutan namin sa text ng aking kaibigang si Fanny Serrano, dahil naiintriga talaga ako. Heto na ang tanong ko sa kanya: Magtatanong lang ako kung totoong nakasama mo si Maricel Soriano sa Amerika?

Heto naman ang sagot ni Fanny: Oo naman, Swarding… 20 years ago na yata ‘yun, na nag-concert kami du’n kasama namin si Roderick Pau-late, Doña Buding at Direk Maryo J. Delos Reyes. Nanliligaw pa noon si Edu Manzano kay Maria. Kaya hindi ko alam kung ano ang koneksiyon ng nakaraan naming concert sa isyu ngayon kay Maricel Soriano. ‘Yung iba kasing writer ay nag-judge na agad, na ako agad ang kasama ni Maria na nagtatago sa Amerika. Now I know… I realize na hindi lahat ng showbiz writers ay may UTAK. They are just ISSUE INVENTORS. Ang taray ba ng comment ko? Aminin mo naman kasi kung sinu-sino ang mga ‘yun…. AMININ!!!

Ayan! Siyemre nag-reply ako sa kanya na kung may gusto pa ba siyang idagdag, at siyempre natanong ko rin sa kanya kung may balita siya kay Megastar Sharon Cuneta, dahil alam ko ngang close sila.

Heto naman ang chikka niya sa akin: Maghintay na lang sila sa new image ni Mega Sharon. It will be a big surprise gift sa lahat ng mga fans na patuloy na sumusuporta at umaasa na siya ang magiging winner sa kanyang show.

Naku, abangan natin ‘yan, mga kaparazzi. Pero heto naman, dumako ulit tayo sa Diamond Star, na talaga namang may nag-chikka nga sa atin, at isa sa mga kaparazzi natin, na talaga nga namang hindi sila naniniwala na nasa ibang bansa si Maricel.

May nakapag-chikka kasi sa kanya na sa isang sikat na ospital lang ito, kaya hindi mahagilap, at nagpapalit pala ng pangalan para hindi ma-search. At nananahimik na rin ang mga katulong, na hindi natin sigurado kung nabayaran na ang mga ito. Pak! Nakakalokang intriga!

 

AT HINDI MUNA tayo magpi-pitik-bulag. Makinig muna kayo sa aking programa sa DZRHTV, 2:30-3:30 sa programang OLA CHIKA NA SHOWBIZ BALITA ni Tita Swarding. Dahil sasagutin na ni Engr. BONG PABLICO ang isyu na sinulat ko rito sa aking column, na p’wedeng mag-asawa ng pito ang lalaki. Dahil ayon sa kanyang paniniwala, hindi ito kasalanan at wala sa Bibliya kung ilan ang gusto nilang maging asawa. In-example niya si Ramon Revilla, Sr., Dolphy at ang dating Presidente Joseph ‘Erap’ Estrada, na pito o higit pa ang naging asawa. Ang masama ay ‘yung nag-aasawa at napakaraming anak na hindi naman kayang suportahan.

At abangan din ang payo ni Engr. BONG PABLICO sa hiwalayang Kris Aquino at James Yap… ‘Yun na!

At s’yempre, abangan din ang programa ko Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 nn sa DWSS 1494 KHZ kasama ko ang aking co-host na si Lady Camille. BADJAO!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

14 thoughts on “Hiding under different names, Maricel Soriano is admitted in a well-known hospital?

  1. If the cause or Maricel’s depression is the death of her mom then it is not doing her any good nor does it give her mom’s memory any justice. For your to honor your mom, live a good life as she prepared you for this.

  2. @joniva01, salamat sa info sa star studio magazine, sometimes may mga magazine dito na ganyan, subukan kong bumili. At agree ako sa yong mga idea joniva01. Hindi naman masama ang plastic surgery kong may pera ka at wala kang tinatapakan na ibang tao, pero yong hindi na yong sobra na rin na parang nasira na tuloy ang mukha mo at naiba na talaga ang mukha mo at hindi na maganda tingnan at yong makita mo talaga na sumusobra na ang pagkagawa na parang hindi na human being tingnan ang mukha. Yong katamtaman lang at bago magpa plastic surgery kailangan talagang mag research about the surgeon kung talagang may kakayahan ba talaga itong gumawa ng retoke. At kung magparetoke man, kung ang resulta maganda na, stop na doon at huwag ng pakialaman ang ibang parts na hindi na kailangan pang ipagawa. Sa opinion ko lang ha? Noong hindi pa nagparetoke si Jinkee, mas gusto ko yong mukha nya, mas nagandahan ako sa kanya kasi natural yong pagkaganda ng mukha nya at mestiza pa rin sya. Ngayon, makita mo talaga na iba na ang mukha nya., Opinion ko lang naman. Ang kaibigan kong matalik, pumunta sa Pinas para magpa eyelid tuck at ginawa ni Dr. Calayan, ang ganda ng pagkagawa, very natural ang kalabasan at sinabihan ko ang kaibigan ko na tama na kasi ganda ang mukha nya na pinabawasan ang eyelid. Gusto pa kasi nya palakihin yong mga lips nya na parang si Angelina Jolie. Anyway, you are right, it is their right and their life.

  3. ganyan na ba ang hustisya ngayon sa pilipinas mas masama ang nagparetoke kesa sa naging addict tapos nanakit at nang api ng kapwa kahit na katulong tsk tsk tsk!!!!!!

  4. @ maria,,,star studio mag:=),,,sa lahat ng nagkokoment tungkol sa retoke para sa kin ok lang yan basta wala kang natatapakan kapwa mo o nilolokong tao,,pera naman nila yan,,ang masama yung nanakit at nanloloko ka ng kapwa mo…..ibig nyo bang sabihin mas mabuti pa ang ginawa ni maricel sa mga katulong kesa duon sa mga tao na ang ginawa ay magpabago lang ng hitsura nila,,,ang laking KABOBOHAN naman yata yan!!!!!

  5. Magqu QUOTE pa ng Bible MALI PA anong “HEBREW” may ganoon ba? It’s HEBREWS !!! Mga Moralistang nagbabasa din ng gossip website. Anong sabi ng LORD tungkol jan? Magbasa kayo ng Bible nyo! and join the convent! Para huminge din kayo ng PAJERO, MONTERO, HUMMER sa gobyerno!

  6. Oo nga, ano na bang nangyayari sa mga artistang nagparetoke, hindi na sila maganda. Si Gretchen, ang class ng beauty nya noon before the retoke, ngayon, iba na talaga ang mukha nya. Si Regine din, nakita ko yong old pictures nya, iba talaga ang mukha nya noon sa ngayon at si Pops din. Pero ang talagang obvious na hindi maganda ang pagkagawa ng retoke ay yong kay Jinkee Pacquiao, (opinion ko lang ito). My gosh if i am the one who has that much money at magparetoke ako, i will go to the best surgeon in the world. Parang makita mo na parang nasobrahan sa botox yong mukha ni Jinkee at parang hindi happy ang mukha nya tingnan. What a waste!!!!!!! Sayang, maganda sya noon, bat ba iniba pa nya yong binigay sa Diyos sa kanya, yong mukha nya noon, hindi na kailangan ipaayos kasi maganda na siya at mestiza na, yong ginawa sana nya ay mag hire ng magaling na image consultant para ibahin ang buhok nya, make up at panamit nya. Hindi na plastic surgery ang kailangan nya.

  7. @joniva01, sorry hindi ako familiar sa ssm mag, ano yon? I google searched it para malaman ko kong ano yon but i could not find an answer. Oo naman pinanood ko ang GMA7 at ABS-CBN. Pinapanood ko ang ibat iban channel sa mga programs na gusto ko.

  8. aha, akala mo kaya mo akong lokohin, maria ah?!? ikaw pala ung ooperahin sa spine at hindi ang ate Glow! nagtago ka pa sa pangalan ng ate Glow mo! ipapadala ko jan ang mga bundat na pulis na mahilig manghingi ng lagay. lakihan mo lang ang lagay ah?

  9. sa lahat ng retokadang mukha, si bekya belo ang nakakadiri. mukha lang niya retokada…o pati keps niya? yung neck niya…kalokah…lawlaw na. anu kaya hitsura ng hitad kung hubad na siya? lahat lawlaw na. hahahaha si ruffa mukhang lalaki na siya. kalerki!!! nakakatawa siya. siguradong maluluka yang losyang na yan pag napunta kay Yilmaz pogi mga anak nila. hahahaha can’t wait to see her blame her pakielamerang ina!

  10. AT LEAST ANG ADDICTION NI MARIA PUWEDENG I REHAB AT MAGBAGONG LIFE SIYA PERO ANG ADDICTION SA RETOKE PERMANENTE NA HINDI MO NA MAIBABALIK ANG DATI MONG MUKHA.NAGLALAKAD KANG PINAGTATAWANAN NG TAO PAG NAKATALIKOD KA.HINDI BA MGA BAKLA AMININ NINYO PAG NAKIKITA NINYO ANG MGA ALIENS AT MANGKUKULAM LOOKING NA RETOKADA GRETA RUFFA G POPS BELO EVANGELINE PASCUAL JINKEE REGINE.KUNYARI PA KAYONG MAGAGANDA SILA PERO PAG WALA NA SILA SOBRANG PINTAS NINYO SA MGA PAGMUMUKHA NILANG NAKAKASUKA.AMININ NINYO.ANG PAPANGIT NILA

  11. maria bumii ka ng ssm mag yung latest makikita mo si claudine,,,kay claudine puro paninira,,,mapapanood mo sya sa gma kung nanonood ka ng gma

  12. Sorry Tita Swarding, I beg to disagree!!!! Hindi ako pabor sa mga lalaking maraming asawa. Wala akong respeto sa mga taong ganyan, wala yon respeto sa mga babae. Personal Opinion ko lang ho ito!!!! At sinabihan ko ang mga anak kong lalaki na never to play around, seryosohin mo ang babaeng mamahalin nyo at sinabihan ko sila na please do not engage in another relationship while you are still in another relationship kasi pinkita nyo lang na wala kayong respeto sa mga babae kung ganoon ang gagawin nyo. I’m glad kasi dahil constant nagging ko sa mga anak ko, ang taste nila sa babae ay conservative.

  13. What a sad story about Maricel kung totoo man ito. She is a very good actress at ang pangalan nya sa industriya ay talagang mataas na pero hindi nya ito inaalagaan. Kaya sana lesson learned ito sa ibang mga artista na iyong pag artista nila ay hindi habang panahon at kailangan they have to think of the future now bago sila malaos, at hindi lang sex , pakipag boyfriend at shopping ang dapat tutukan. Tingnan na lang itong nangyayari kay Maricel at Claudine, both very talented actresses, ano na ang nangyayari sa dalawang ito ngayon, mga bad publicity na, At kung hindi naman ito totoo kailangan mag hire sila ng good publicist to recover from these bad news. Hayyyy naku ang buhay, ang daming nagugutom sa Pinas ngayon at itong dalawa kung ano ano lang ang dinadatnan.

  14. swarding, napaghahalata na ang engineer na sinasabi mo ay hindi talaga nagbabasa ng bible. Maaring binuklat-buklat lang nya iyon at hinanap ung subject na gusto niyang magkaroon ng kasagutan. Here’s one passage in the bible. Hebrew 13:4 “Give honor to marriage and remain faithful to one another in marriage. God will surely judge people who are immoral and those who commit adultery”. Alam natin na mga muslim lang ang may ganyan paniniwala basta kaya nilang sustentuhan ang kanilang mga asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.