Hero Angeles at German Moreno, may alitan?!

SPOTTED SINA SHAINA Magdayao at John Lloyd Cruz habang nagsi-shopping sa Eastwood kamakailan.

Magkasama ang young couple na namimili sa Beabi Store, isang tindahan na ang specialty ay mga organizer. Two hours nga raw namili ang dalawa sa nasabing store at siyempre, all eyes ang mga customer sa kanila.

Sweet pa nga raw ang dalawa at hindi na talaga itinatago ang kanilang relasyon. Out na naman talaga sila, dahil finally ay inamin na ni John Lloyd na dyowa niya ang younger sister ni Vina Morales.

WAR NA BA sina Hero Angeles at Kuya Germs?

Nagkagalit daw kasi ang dalawa nang tanggihan ni Hero at ng kanyang kapatid na si Henry Angeles ang isang role sa Endless Love.

Hindi nagkaintindihan ang dalawang kampo dahil hindi ang original na sinabi ni Kuya Germs ang napuntang role kay Hero. Nag-react ang kampo ng actor at hindi nga ito tinanggap dahil magmumukha lang siyang extra sa soap nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Lalong nagkagulo nang hindi sumipot si Hero sa isang taping ng Walang Tulugan. Kuya Germs took it to mean na wala nang interest si Hero na magpa-manage pa kay Kuya Germs.

Sa kanyang website ay sinagot ni Hero at ni Henry ang mga nasulat ni Kuya Germs sa kanyang column. Sinabi ng aktor na kaya tinanggihan ni Henry ang role sa Endless Love ay dahil hindi ito ang role na binanggit ni Kuya Germs.

Sa issue naman ng ‘di pagsipot ni Hero sa Walang Tulugan taping, sinabi ni Henry na nag-abiso naman sila kay Kuya Germs at sa talent coordinator ng show.

Sinabi naman ni Kuya Germs na hindi niya inalis si Hero sa kanyang show at welcome pa rin naman ang binata sakaling gusto niyang bumalik.

MAHINA PALA ANG rating ng Pilyang Kerubin kaya naman GMA-7 is beefing up interest in the show sa pamamagitan ng pagkuha ng guest stars na may pangalan. Iyon nga raw ang dahilan kung bakit bigla na lang nilang kinuhang guest si Maricel Soriano.

Ang balita namin, ang Pilyang Kerubin ang may pinakamababang rating sa lahat ng teleserye ng GMA-7.

Nagtataka kami na hindi nag-click ang Pilyang Kerubin gayong na-mob ang mga bida nitong sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio nang mag-mall tour sila. Hanggang mall tour lang ba ang kanilang kasikatan? Hindi ba nag-translate sa rating ang kanilang popularity? Baka naman hype lang ang kanilang popularidad.

SINO ITONG VETERAN actress na mukhang palaging nakatira kapag may taping ng kanyang teleserye?

Lagi raw kasing alive ang hitad at mukhang ganadong magtrabaho palagi. Parang hindi nga raw ito napapagod.

Usap-usapan nga siya sa kanilang taping dahil nahahalata ng mga crew na parang laging nasa cloud 9 ang aktres hindi dahil in love siya kundi dahil nakatira nga siya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

9 thoughts on “Hero Angeles at German Moreno, may alitan?!

  1. NAKAKAHIYA KAYO…ISANG GURANG AT ISANG
    TEEN AGER: #1. MAG LOLO O #2.MAG LOVER?
    YON LANG..
    SA HULI AKO, #2. NOTORIOUS TALAGA SI LOLO.

  2. hindi naman dapat tanggkilin ang teleseryeng ang itinuturo ay maagang pakikipagligawan sa mga kabataan. kaya mababa ang ratings nito dahil ayaw ng mga magulang na gayahin ang mga bida rito. nagkamali ang GMA sa pagbuo ng loveteam na masiyadong mga bata pa. may mga gatas pa sila sa labi. di sila dapat pamarisan.

  3. Hindi na dapat si hero mamili ng role niya to think that he’s a has been at tinulungan lang siya ni germs na muling makabangon.

  4. hello??wala namang teleserye c claudine……at hindi adik c claudine noh..pwede pa c gretchen..baka c gretchen nga kaya yun????….

Leave a Reply

Your email address will not be published.