Here Comes the Jolens!

IN-ANNOUNCE NA KAMAKAILAN ang wedding proposal kay Jolina Magdangal ng kanyang boyfriend and

husband-to-be na si Papa Mark Escueta kasabay ng celebration para sa ika-21 anibersaryo ni Jolens sa showbiz. Finally, Mark and Jolens are now engaged! Walang pag-aalinlangan na sinabi ni lalaki na si Jolens na nga ang kanyang magiging butihing maybahay. Kakakilig deeva? Ayon pa rin sa singer-actress,

akala niya eh, sa pelikula at teleserye na lang niya mararanasan ang wedding proposal na itey at may sisigaw raw ng cut! Pero hindi at totoong-totoo na, kaya labis-labis ang kaligayahan ng ateh n’yo. Ang ibinigay namang engagement ring sa kanya ni Papa Mark eh, hindi na raw accessories ha-ha, kakatuwa talaga si Jolens, ‘noh? Kami rito sa Pinoy Parazzi ay bumabati sa inyo ng best wishes kahit maaga pa, he-he!

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

One thought on “Here Comes the Jolens!

Leave a Reply

Your email address will not be published.