Herbert Bautista, tagilid sa Kyusi Vic Sotto, Noli de Castro at Willie Revillame, target din ang pagka-mayor?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Maloloka ka talaga sa Earth! Don’t make your Monday a blue Monday.

Kumustahin naman natin ang isang singer na si DK Valdez. Talaga namang gustong makamit ang dreams niya, na nagsimula sa pagiging talent niya ng mga kilalang manager noon at sa isang bandang The Toys. Kaya lang, bigla siyang nawala sa mundo ng pagkanta rito sa Pilipinas, pero nabigyan naman ng karangalan sa ibang bansa mag-perform at talagang ibang klase raw ang mga Pilipino abroad, kinababaliwan. Ikaw na!

Naging bongga naman ang career ni DK doon at bumalik siya sa Pilipinas ngayon para mabigyan naman ng pagkakataon na ipakita niya muli ang talento niya rito sa atin. At sakto naman para i-launch ang kanyang first album na “It’s All About Love” at isa rin siya sa mga nag-compose ng mga kanta sa album, tulad ng ‘Tatanggapin Pa Ba Kita?’ na talaga namang akala mo, may pinagdaraanan siya.

Abangan na lang natin ang magiging concert niya pagbalik niya ulit dito sa Pilipinas, dahil hindi pa niya maasikaso sa dami ng offers sa kanya sa ibang bansa. Siyempre pa, ‘pag nag-concert daw si DK, gusto niyang makasama sina Angeline Quinto at Sarah Geronimo. Bongga! Bagay ang boses niya sa dalawang singer na ‘yun.

Good luck sa magiging career mo, DK… na hindi sumusuko maipakita lang ang maganda niyang talent sa ating bansa. Bihira ang ganitong singer na talaga namang ibang klase kung lumaban sa kanyang pangarap. At naging bongga ang album niya, dahil naging no. 1 sa Astro Plus at Astro Vision.

Ano pa bang klaseng pagkilala ang gustong makamit ni DK Valdez? Nand’yan ka na sa pangarap mo, congrats!

 

MALOLOKA TALAGA ako sa Earth! Malayo pa ang eleksyon pero kalat na kalat na sa Quezon City na ang maglalaban-laban sa pagka-mayor ng lungsod ay magkakalaban ding network!

Kaloka talaga! Kasi ‘pag nagkataon, hindi lang masaya ang labanan kundi, it’s more fun in Quezon City. Kasi, hindi naman bibitawan ni Herbert ‘Bistek’ Bautista at wala itong balak bitawan ang puwesto niya bilang alkalde ng Q.C. at ibigay kay Joy Belmonte. Usapan daw kasi ito bago ibinigay ni dating Mayor Sonny Belmonte ang suporta kay Bistek.

Pero maraming nagsasabi na kung ibigay ito ni Bistek, sira ba ang ulo niya? Magmumukhang katawa-tawa raw siya ‘pag nangyari ito.

Ayon pa sa tsika, mahirap iwanan ito ni Bistek, kasi pang-2nd term lang niya ito, dahil gusto raw niyang ipagpatuloy ang kanyang mga proyekto na hindi kaya ng isang term lang. Kaya lang, maraming ayaw na raw kay Bistek, lalo na ang mga mahihirap sa Q.C. Kasi mahirap na nga, lalo niya pang pinahihirapan itong mga nasa depressed area, na kung kakandidato pa raw ulit ito, 99.9%, wala na siyang makukuhang boto na dati ito ang nagpanalo sa kanya. Kahit itanong mo pa kay Mike Defensor.
Maugong kasi ang tsika na babalik si Speaker Sonny Belmonte bilang QC mayor, para labanan si Bistek. Kasi mukhang mahina ang kanyang anak na si Vice Mayor Joy Belmonte. Mukhang tagilid daw ito kay Bistek kung one on one ang labanan.

Ngunit subalit, magiging makulay ang labanan sa darating na 2013 dahil maugong ang tsika na ang main host ng Eat Bulaga na si Vic Sotto ay tatakbo rin, gayundin daw ang dating vice president na si Noli de Castro, at lately, lumutang ang ambisyosong si Willie Revillame na my plano ring tumakbo bilang mayor ng Q.C.
isa lang talaga ang napupuna ko kung matuloy ang labanan ng tatlong ito, labanan na naman ito ng tatlong network hindi lang sa showbiz, kung hindi maging sa pulitika. Kasi nga, ang mga tatakbong mayor ay ga-ling sa Dos, Siyete at Singko.

Kaya tagilid si Bistek ‘pag nagkataon. Walang lulusot na artista sa Q.C. Kung tumakbo ulit si Mike Defensor, baka manalo na ito. ‘Yan ang say ng aking parazzi girlaloo.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

11 thoughts on “Herbert Bautista, tagilid sa Kyusi Vic Sotto, Noli de Castro at Willie Revillame, target din ang pagka-mayor?!

  1. mr. willie  wag ka naring  pumasuk sa pulitika baka ikaw pa mag taas ng mga bandera ng nga pokpok sa ating bansa …..
    mahilig sa sex baka sa munisipyo mga secretarya nya gapangin lang…
    matanda na malibog pa….

  2. MR. MARVIC SOTTO-alam mo di ka bagay sa pulitika sa eat bulaga ka na lang madamika pang na papasayang tao at na tutulungan….
    pag pinasuk mo pa ang sarili mo sa pulitika mababahiran lang ito ng masamang imahe kahit wala kang kinalalaman madadawit at na dadawit din ang pangalang mo 
    opinoin lang namn po………

  3. si bistek ang isa sa pinaka corrupt na opisyal na humawak sa c…di lang alam ng masa pero maraming multong empleyado dyan sa qc at si bistek ang utak…ano ba nagawa na nya bukod sa pagdemolish sa mga squatter na matapos mangako ng tulong ayun demolish na sa laki nga lagay at kurakot sa mga developer….pulitika sa pinas mabaho at marumi pa rin..

  4. Noli De Castro at Willie Revillame kasama na rin si Manny Villar, dapat imbistigahin ang anomalya sa Housing Authority. Diyan sila yumaman. Remember, si Arlene na asawa o kabit ni Noli ang manager ni Willie na BFF naman ni Manny Villar. Iisa ang common denominator. . .Real Estate. . .

  5. Vic Sotto—-> I know you are a good person, pde k nmn tumulong sa mga mahihirap ng hindi sumasabak sa puilitka.. mababahidan k lng ng putik at dumi ng pulitika, kaya mas mabuting png wag nlng Bossing.
    Willie Revillame—-> Ikaw nmn willie, madumi n nga ang pulitika, mas lalo mo pang padudumihin sa pagpasok mo.. Kaya maawa k sa taong bayan, wag kana makidagdag ssa dumi ng pulitika.. Maliit n contest mo nga dinadaya nyo at sinasabotahe, mas lalo p kaya kung nakaupo kn????? Daig mo pa ang nagpopromote ng prostitusyon, masyado ka malibog at mahilig sa babae…. Nolie De castro—-> ikaw nmn kabayan Noli, minsan kn nabigyan ng oportunidad maglingkod sa taong bayan, pro wala k nmn nagawa. nagpasasa k lng at naging susnod sunuran kay Gloria.. Ano pa kaya ang mapapala sau ng taonh bayan?????????? wala k nmn ginawa kundi umupo.. in short u were useless.!! so lahat kau, manahimik n lng kau at gawin nyo ang bagay kung san kau nararapat.!!!

  6. WALANG KASING YABANG ANG WILLIE REVILLAME NA YAN…MAUUBOS DIN ANG KAYAMANAN MO AT TATANDAN KANG MAG-ISA PWE!

  7. MASYADONG SWAPANG ITONG NOLI DE CASTRO NUNG VICE PRESIDENT WALANG GINAWA SA BAYAN PWE. SILANG DALAWA NI GLORIA KURAKOT NAGPAPAYAMAN ANG TANDEM NG DALAWANG ITO HABANG LUGMOK SA KAHIRAPAN ANG BANSA. ITONG VIC SOTTO AT WILLIE REVILLAME WALA KAYONG MAGAGAWA SA BAYAN NATIN MAMBABAE NA LANG KAYO TUTAL DYAN NAMAN KAYO MAGALING. LALO NA YANG WILLIE REVILLAME NA YAN. KUNG SARILI NIYANG BUHAY HINDI NIYA MAITUWID PROBLEMA PA KAYA NG BAYAN KALUKA. MAG BEERHOUSE NA LANG KAYO.

  8. NAKU, LALABAN NA NAMAN SI NOLI? WALA AMANG NAGAWA YAN EH… SI WILLIE? NAKU, KUNWARI LANG SIYA NA TUMUTULONG SA MGA MAHIHIRAP, KAPLASTIKAN NAMAN. SI BOSSING? PWEDE!

Leave a Reply

Your email address will not be published.