Herbert Bautista, sinisiraan!

OLA CHIKA! NALOKA ako nang mag-search ako sa internet. Nalaman ko na kinukuha pala ng isang blog site ang kolum ko rito sa Pinoy Parazzi. Naloka ako dahil kahit sino naman, ‘pag kinuha sa ‘yo nang walang pahintulot, talagang magagalit ka. Ang hirap nga lang hanapin kung sino ang pinuno ng site na ‘yun. Kalerke, huh!

Nu’n nga kasing isinulat ko ang tungkol sa character actor na nagbubugaw ng isang bagets at baguhang actor sa isang mayamang negosyanteng bading, aba, nang i-open ko ang site na ‘yun, naloka ako nang unang bumulaga sa aking paningin ang kolum ko. Kalerke, huh!

Ngunit kahit tinanggal ang picture ko roon, hindi naman nila binura ang pangalan ko sa ibaba at ang Pinoy parazzi. Pero kahit kaninong kalagayan, ‘pag walang pahintulot sa nagsulat, magagalit talaga. Sa Pinoy Parazzi site (www.pinoyparazzi.com) mababasa ang lahat ng kolum ng mga kolumnista rito, at hindi sa blog site na ‘yun. ‘Yun na!

MAY NAGPARATING sa akin ng isang bagay na ikinabigla ko. Nakarating daw kay Herbert ‘Bistek’ Bautista, na sinisiraan ko raw siya sa aking programa sa radyo.

Ni minsan, hindi po ako nanira ng sinuman, at ni minsan, hindi ko nabanggit-banggit ang pangalan ni Herbert, at wala po akong galit sa kanya. Naloka nga ako! Si Herbert pa na ang bait-bait sa akin?

Wala na nga kasing atrasan ang pagtakbo ni Bistek sa City of Stars o Quezon City bilang mayor. Pero hindi nga lang siya ang nag-iisang artistang tatakbo sa eleksiyon sa Quezon City. Maraming mga artista ang nagbabalak na tumakbo sa eleksiyon sa susunod na taon. Naku, ewan ko lang kung sino ang susunod sa yapak ni Bistek sa pagka-vice mayor. Kaloka, huh!

Buong-buo nga ang suporta ng tita ni Herbert na si Tin sa kanya. Kung anuman ang laban ni Bistek, nandu’n ang kanyang pamilya. Marami na ngang napatunayan si Herbert sa lungsod, at sa kanyang mga kababayan, na marami nga sa kanila ang natulungan. Bongga!

Sana, makarating ito sa kanya, at walang dahilan para magalit ako at siraan siya at ang kanyang pamilya. Unang-una, love ko ang magkapatid na Herbert at Harlene Bautista. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.