Hepe, Sinibak sa Nabigong Ambush

SINIBAK NI Cagayan Valley Police Regional Director Chief Supt. Rodrigo De Gracia ang hepe ng bayan ng Rizal kasunod ng nabigong ambush sa alkalde at iba pang kaso ng karahasan na iniuugnay sa gaganaping Barangay elections sa dara¬ting na Oktubre.

Ipinalit naman ni De Gracia kay Sr. Insp. Gerry Roque si Sr. Insp. Arthur Sto. Tomas.

Nangyari ang nabigong ambush kay Rizal Mayor Joel Ruma noong nakalipas na Agosto 5 nang pagbabarilin ng mga armadong suspek ang behikulong sinasakyan nito sa Brgy. Gaggabutan East.

Ligtas namang nataka¬san ng grupo ni Ruma ang nasabing pananambang.

Noong Hulyo 21, napatay ang follower ni Ruma na si Chairman Edwin Gannaban sa labas ng tahanan nito sa Brgy. Pasingan.

Ang mga nasangkot sa naturang pagpatay ay ang dating Chairman sa lugar na si Gilbert Mamauag at isang ex-CAFGU na si Randy Gadduan. Si Gadduan ay na¬patay naman sa ambush na naganap sa Brgy. Iluru Sur makalipas ang tatlong araw ng pagpatay kay Gannaban.

Magmula naman ng mangyari ang insidente ay natanggap ni Cagayan Police Director Sr. Supt. Greg Lim ang report sa pag-iikot sa lugar ng mga armadong lalaki na nagpapaputok pa ng baril noong kapistahan dito.

Samantala, wala naman naireport na nasaktan sa nabanggit na insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.