Hepe sa Caloocan Police, Kinondena ng CAMANAVA Press

KINONDENA NG mga mamamahayag na komukober sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela (CAMANAVA) area ang kawalan ng modo at bastos na inasal ng hepe ng Anti Carnapping Division at Traffic Division ng Caloocan City Police sa isang radio reporter, ilang araw na ngayon ang nakalilipas.

Kaugnay nito, kinasuhan ng grave misconduct sa tanggapan ng Free-Charge ng Caloocan City Police si Sr. Insp. Gaylord Tamayo, hepe ng dalawang nabanggit na tanggapan ni Robert Illut, nasa hustong gulang, residente ng Navotas at radio reporter ng Radio Veritas.

Ang reklamo ni Illut laban kay Tamayo ay nag-ugat nang magsadya ang naturang reporter sa tanggapan ni Tamayo para ito ay tanungin o interbyuhin hinggil sa mga illegal terminal sa lungsod na ino-operate ng mga barangay chairman.

Ayon kay Illut, kaagad umanong hiningi ni Tamayo ang kanyang press ID para alamin daw ng nasabing pulis kung orig o peke ang nasabing identification card ni Illut.

Kaagad namang ibinigay ni Illut ang kanyang press ID subalit sa hindi inaasahang masamang asal ni Tamayo ay ibinato umano nito ang press ID ng nasabing radio reporter sa isa sa kanyang mga tauhan.

Sa ginawang kahiya-hiyang inasal ni Tamayo ay dali-daling kinuha ni Illut ang kanyang press ID at saka mabilis na umalis sa nasabing tanggapan at nagsadya sa tanggapan ni Caloocan City Police Chief Sr. Supt Jude Santos at inireklamo si Tamayo.

Agad na pinupunta ni Santos si Illut sa tanggapan ng Free-Charge para maimbestigahan ang kanyang reklamo at kung may makitang may probable cuase ay ipaghaharap si Tamayo ng grave misconduct.

Dahil dito inaasahan ng mga reporter sa CAMANAVA na hindi kukunsintihin ni Santos ang masamang inasal ni Tamayo laban sa nasabing reporter.

“Kung nagawa ni Tamayo ang asal hayop sa akin ay p’wede rin nitong gawin sa iba pang mamamahayag na dapat ay hindi na maulit. (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.