Hepe ng Tanod, Kritikal sa Pamamaril; 5 Suspek Arestado

NADAKIP NA ng pinagsanib na puwersa ng Nueva Ecija at Bulacan PNP ang apat na kalalakihan na umano’y sangkot sa pamamaril sa hepe ng barangay tanod ng Brgy. Baritan, San Miguel, Bulacan.

Sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Marc Rivero, kinilala ang biktimang nasa kritikal na kundisyon na si Ronnie Liongson Y Austria, 54 anyos, may-asawa, residente sa nabangit na barangay.

Samantala, unang nadakip ang  suspek na si Romeo Sarmiento, 37, may-asawa, pahinate, ng Carmona Cavite. Makalipas ang anim na oras ng pagtugis, nadakip din ang mga kasamahan nito na sina Jimmy Juliano, 38, duck raiser; Ronald Domingo, 33, kapwa residente ng Brgy. Sta. Lucia; at Romeo Reyes, 53, ng Brgy. Bardias, San Miguel; at isang Raul Mariano, 40, ng Brgy. Mahipon, Gapan City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-7:00 ng gabi nang maharang sa checkpoint ang mga suspek kung saan bigla na lamang namaril mga suspek lulan ng kulay itim na kotse na may plakang UHR-772.

Nabatid na bandang ala-1:00 ng madaling-araw ng Marso 20, nang matukoy ng mga pulis ang naturang sasakyan sa bahagi ng Brgy. Parculeta, Gapan City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang kalibre ng cal. 45 at isang US carbine at iba’t ibang uri ng mga bala na walang sapat na dokumento.

Samantala detenido nga-yon ang mga suspek sa  kasong paglabag sa  RA 8294 at Comelec Resolution No. 9561-A.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.