Hepe ng Roxas-PNP, Mananagot sa Pag-atake ng NPA

KASONG ADMINISTRABO ang maaaring kaharapin ng hepe ng pulis sa Roxas Municipal Station sa Palawan matapos lusubin ng New People’s Army at mata-ngayan pa ng armas.

Ayon kay Police Chief Superintendent Generoso Cerbo, Chief public information Officer ng Philippine National Police (PNP), mayroong tinatawag na camp defense plan ang bawat presinto ng pulisya sa bansa, kaya iimbestigahan kung paano napasok ng mga rebelde ang istasyon.

Aalamin din ang dahilan kung bakit wala sa loob ng istasyon ang hepe ng Roxas-PNP nang mangyari ang insidente. Matatandaang isang pulis ang napatay sa pag-atake at ikinasugat naman ng isa pa.

Dagdag pa ni Cerbo, iimbestigahan din ng PNP ang alegasyon ng NPA na inatake nila ang istasyon dahil sa pangongotong ng mga pulis sa mga minero sa Roxas, Palawan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.