Hepe ng Pulisya, Nanampal ng Motorista

INAKUSAHAN ANG isang hepe ng pulisya ng San Nicolas, Ilocos Norte na si P/C Insp. Jay de Guzman na nanampal ng isang motorista matapos hindi gumamit ng helmet.

Nakilala ang nasabing biktima na si Jun Reyes, residente ng Brgy. 14 sa naturang bayan.

Sinabi ng biktima na naganap ang insidente sa mismong harapan ng munisipyo ng San Nicolas kung saan dalawang beses siyang sinampal ni De Guzman.

Maliban sa pananampal sa kanya ng hepe ng pulisya ay inalis pa ang plate number ng kanyang motorsiklo.

Mariin ding pinabulaanan ni De Guzman ang alegasyon sa kanya ni Reyes.

Ayon kay De Guzman, wala siyang namalayan na nasampal niya si Reyes.

Samantala, sinabi pa ng opisyal na malabong sampalin niya ang naturang motorista dahil may kasapi ng Police Provincial Office na kasalukuyang bumibisita sa kanya sa nabanggit na pagkakataon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.