Hepe ng Malabon Police, pinalitan

MATAPOS ANG dalawang taon panunungkulan ng dating hepe ng kapulisan ng Malabon City na nagmistulang simbahan dahil sa pagiging tahimik ng headquarters at maging ang mga kapulisan dahil na rin sa kautusan ng kanilang pinuno.

Nitong, nakalipas na araw ng Biyernes ay mistulang piyesta sa buong Malabon City Police, sa isinagawang turn-over ceremony sa pagpapalit ng bagong chief of police matapos sunud-sunod na nagpaputok ng maraming fireworks.

Si P/Sr. Supt. Ferdinand Ampil ay pormal na pinalitan ni P/Sr.Supt. Severino Abad, bilang bagong Chief-of-Police ng Malabon City, na nanggaling sa lalawigan ng Ilocos.

At ngayong ng Lunes (Setyembre 30, 2013) inaasahan ng mga kapulisan at mamamayan ng Malabon ang pagbabago sa kalakaran ng kapulisan sa lungsod.

“Una, aasahan namin na sana maging bukas sa kahit na sinuman, mapaordinaryong mamamayan ng lungsod ang tanggapan ni Sr. Supt. Abad, at ang tamang pagtrato sa lahat ng miyembro ng Malabon Police,” ani pa ng ilang empleyado ng Malabon City Hall.

Inaasahan din nila lalo na ang peace and order at mabawasan at malutas ang lahat ng krimen sa naturang lungsod.

Sa kasalukuyan, wala pang puwesto kung saan maililipat si Sr. Supt. Ampil, kung saan malapit na rin umano itong magretiro sa serbisyo.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.