Hepe ng Caloocan Traffic, Hiniling na Palitan

HINIHILING NG mga residente, commuters at mga driver kay Caloocan City Mayor Ocar “Oca” Malapitan na palitan sa puwesto si Larry Castro, hepe ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) dahil sa kawalan umano nito ng sapat na kaalaman at kakayahan sa batas trapiko.

Ayon sa mga nabanggit, nagsisilbi lang umano na isang palamuti si Castro sa kanyang tanggapan sa DPSTM sa dahilang wala raw kaalam-alam at kakayahan para pamunuan ang DPSTM, dahil hindi nito maresolba nang mabuti ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at mga illegal terminal sa lungsod.

Bukod dito, wala rin umanong urbanidad ang nasabing hepe sapagkat bilang hepe ng isang tanggapan dapat maging presentable ang pananamit at laging nakikitang nakasuot lamang ng tsinelas sa pagpasok sa kanyang trabaho.

Sinabi pa ng mga nabanggit, wala raw umanong natapos na anumang kurso sa pag-aaral si Castro

na isang palaisipan bakit ipinagkatiwala dito ang pamumuno sa DPSTM na dapat ay isang taong may malawak ang kaalaman sa batas-trapiko sapagkat ang pagiging hepe ng DPSTM ay sensitibong posisyon.

Hindi rin umano pinapansin ni Castro ang hayagang operasyon ng mga illegal terminal sa lungsod na siyang nagiging sagabal sa daloy ng trapiko.

Wala rin umanong aksiyon na ginagawa si Castro sa mga nakaparadang mga sasakyan sa mga sidewalk at double parking kaya tuloy sa kalsada na nagsisipaglakad ang mga tao na pinangngambahang maging sanhi ng aksidente.

Napag-alaman mula sa ilang kawani ng Caloocan City hall, kaya umano naging hepe ng DPSTM si Castro ay dahil “personal choice” daw ito ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan kahit walang tinapos na pag-aaral.

“Dapat sana ang kinuha ni Malapitan, ‘yung may kaalaman sa pagpapatupad ng batas trapiko hindi ‘yung pinili dahil lamang sa may tinatanaw na utang na loob,” wika pa ng mga residente, commuters at mga driver.

(ROMAN MAGPOC) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.