Hepe ng Caloocan Police, Bago na

MALUGOD NA tinanggap ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan nitong Lunes ang bagong talagang hepe ng pulis ng lungsod na si Sr. Supt. Bernard Tambaoan.

“Si Supt. Tambaoan ay may sapat na karanasan at magandang track record upang pamunuan ang buong puwersa ng kapulisan sa ating lugar at naniniwala akong hangad din niya kung ano ang mabuti para sa ating pinakamamahal na lungsod,” ani Mayor Oca. Si Tambaoan ay nakatakdang mag-courtesy call kay Malapitan sa city hall.

Pinalitan ni Tambaoan sa puwesto si Senior Supt. Rimas Calixto, at bago pa man nito natanggap ang bagong appointment ay naging chief of police siya ng San Juan City.

Naglingkod din siya bilang pinuno ng mga pulis-Navotas at deputy chief ng Valenzuela City.

Gayundin, nauna siyang naglingkod bilang hepe ng Traffic Management ng Northern Police District Office (NPDO). Ang mga lungsod ng Navotas, Valenzuela at Caloocan ay nasa ilalim ng pangangalaga ng NPDO.

Samantala, pinapaalala ng Public Information Office sa publiko na maaaring matawagan ang tanggapan ng bagong Chief of Police sa telepono bilang (02) 362-2714 sa opisina nito sa police headquarters sa Samson Road.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.