Hepe at Tauhan, Patay sa Duwelo

KAPWA PATAY ANG hepe ng pulis at tauhan nito nang mauwi sa palitan ng putok ang kanilang pagtatalo sa kanilang sinisilbihang police station sa bayan ng Bayabas, Surigao del Sur.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 13 Caraga Public Information Office (PIO) Chief PSupt Martin M. Gamba, kinilala ang mga nasawi na sina Insp. Edgardo Caballes Dico, hepe ng Bayabas Municipal Station; at tauhan nito na si PO3 Lord Anthony Lerin.

Sinabi ni Gamba na dakong 12:05 ng tanghali nang maganap ang barilan sa nasabing himpilan.

Tinangkang disiplinahin ni Dico si Lerin subalit nauwi sa mainit na pagtatalo dahilan para humugot ng baril ang huli at pinaputukan ang kanyang superior.

Gumanti naman si Dico subalit pareho na silang bumulagta.

Naisugod naman sa Adela Serra Ty Medical Center ang dalawa subalit inilipat sa DO Plaza Memorial Hospital sa Patin-ay sa Prosperidad Agusan del Sur si Lerin pero namatay rin.

Maging si Dico ay nasawi rin habang nilalapatan sa nasabing ospital.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.